Saturday, October 3, 2020

TRAFFIC ENFORCER NA ISA RING NAVY RESERVIST, PINUGUTAN. ULO, ISINILID SA ICE BOX

 


KARUMAL-DUMAL! Pugot na ulo ng isang traffic enforcer na isa ring Navy reservist ang natagpuang nakasilid sa isang ice box sa Sta. Cruz, Maynila Huwebes ng gabi.


Ayon sa Manila Police District Station 11, nakita ng mga tricycle driver na sina Jerwin Mirabueno at Jun San Diego ang ice box sa gitna ng kalye sa bandang Florentino at Torres Street, dakong alas 11:50 ng gabi.


Nang buksan ng dalawang tricycle driver ang ice box, doon nila nakita ang ulong pugot.


Sa follow-up investigation ng Homicide Section ng MPD, kinilala ang biktima na si Oliver Ignacio, residente ng Barangay San Roque, Navotas City, isang traffic enforcer at Navy reservist.


Sa tulong ng pinsan ng biktima na si Mary Anne Esguerra natukoy ang pagkakakilalan sa bikitma.


Sa panayam, sinabi ni Esguerra na dinukot Huwebes ang kaniyang pinsan sa Navotas impounding area sa kahabaan ng C4 Road dakong alas 4:45 ng hapon. 


Sa imbestigasyon naman ng Navotas Police Station, tatlong kalalakihang sakay ng isang Montero na kulay itim ang dumukot sa biktimang si Ignacio matapos umano nitong sumagot ng tawag sa telepono.


Patuloy ang imbestigasyon ng MPD ukol sa motibo sa brutal na pagpatay sa biktima.  


#PunchTheLies🤛



Reference: ABSCBN News

Sunday, September 27, 2020

ANG MISTERYONG PAGKAMATAY NI PSG MAJOR HARIM GONZAGA SA LOOB NG MALACAÑANG


 Setyembre 26, 2017, isa sa mga opisyal ng Presidential Security Group (PSG) ang natagpuang patay sa loob ng kanilang quarters sa Malacañang Park.


Siya si Major Harim Gonzaga.


May tama ng bala sa dibdib si Major Harim Gonzaga, 37, nang makita ng kanyang asawa na wala nang buhay sa loob ng kanilang pinagsasamahang kwarto bandang 8:50 ng umaga. 


Ang asawa ng biktima ay parte rin ng Presidential Security Group (PSG)


Ayon sa pahayag ng PSG, sinabi nitong pag-aari ni Gonzaga ang baril na ginamit, at wala umanong senyales ng panlalaban sa loob ng quarters, at nakikiramay din umano sila at nagpaalalang iwasan ang haka-haka ukol sa pagkamatay ng kanilang opisyal. Anila’y patuloy naman ang imbestigasyon sa pangyayari.


Trabaho ng PSG ang magbigay seguridad sa Pangulo at sa kanyang pamilya.


Ayon kay PSG Commander Brigadier General Lope Dagoy, maaaring nasa Bahay Pagbabago ang Pangulong Rodrigo Duterte nang maganap ang insidente sa 'di nalalayong PSG compound. 


Pero malayo aniya ang Pangulo sa pinanggalingan ng putok. 


“Nang dumating ang asawa ni Gonzaga sa kanilang quarters ang nakita niyang nakahandusay ito, ” ani pa ni Dagoy.


“Sabi naman niya malambot pa raw ang asawa niya. Nag-attempt pa raw siya [i-revive],” dagdag pa ng heneral.


Ayon pa kay kay Dagoy na ang Philippine National Police-Scene of the Crime Operatives ay walang natagpuang foul play at walang ibang taong sangkot sa insidente.


Wala rin umanong tanda ng “struggle” sa loob ng quarters. Bagama’t may ibang nakarinig ng putok ngunit binalewala ito dahil sa malapit ito sa firing range.


Ayon pa sa hepe, patuloy pa rin umano ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang tunay dahilan ng pagkamatay ng PSG office.


Naulila ng opisyal ang kanyang asawang si Shiela, na miyembro rin ng PSG at dalawang anak. Makatatanggap naman sila ng financial assistance mula sa PSG.


Sino kaya ang pumatay kay Major Harim Gonzaga? Bakit kaya siya pinatay at bakit sa loob pa mismo ng Malacañang siya pinatay? Ano nga ba ang katotohanan sa likod ng krimen na ito? Mga katanungang ito ay wala pang kasagutan hanggang ngayon.


Mula noon, wala nang narinig na balita tungkol sa kasong ito at hanggang ngayon, ito ay nananatiling misteryo. 



#PunchTheLies🤛

Friday, September 11, 2020

FERDINAND MARCOS: GUINNESS WORLD RECORD FOR THE GREATEST ROBBERY OF A GOVERNMENT

 

Who
FERDINAND MARCOS
What
5000000000 - 10000000000 US DOLLAR(S)
Where
PHILIPPINES ()
When

The government of the Philippines announced on 23 Apr 1986 that it had succeeded in identifying $860.8 million (£569.5 million) salted away by the former President Ferdinand Edralin Marcos (1917–89) and his wife Imelda. The total national loss from November 1965 was believed to be $5–$10 billion.

Ferdinand and Imelda Marcos fled to Hawaii, USA, in 1986, where the former president died. Imelda Marcos returned to the Philippines in 1991, and was found guilty of corruption in 1993. However, Imelda Marcos was cleared of all charges on appeal in October 1998. The Philippine Supreme Court acquitted her, setting aside a 12-year jail sentence. The decision - by a majority of 8-5, with 1 abstention - reversed a January ruling by the Supreme Court on her 1993 conviction by a lower court.


*****


Marcos was and will be forever as it’s written and recorded. The greatest robbery of a government. He’s a KLEPTOCRAT. 


You cannnot revise the history. Never ever!




#PunchTheLies🤛


*****

Source: https://www.guinnessworldrecords.com/world-records/65607-greatest-robbery-of-a-government








Friday, August 21, 2020

10 MOST SIGNIFICANT QUOTES FROM NINOY AQUINO (by Ron Mia)


As we commemorate the 37th death anniversary and martyrdom of former Senator Benigno Ninoy Aquino Jr., I find it fitting to relieve and rekindle the lessons of our history through his words.

Known for his great rhetoric, Ninoy became one of the toughest tongues against the Marcos regime. He was the voice of the opposition at the Batasan Pambansa often challenging Marcos’ policies and actions. Being groomed as Marcos’ opponent in the Presidency, Ninoy was arrested, jailed and exiled to the United States.

And on August 21, 1983, what should have been a comeback of the face of the opposition became the trigger of massive action against the dictator. And so the rest is history.

So, here are the 10 most significant quotes from the democracy icon and hero Sen. Ninoy Aquino.

10. “We must not only preserve yesterday’s heritage fight for today’s ephemeral interests, but die if need be, for tomorrow’s hopes.”

9. ”The great “legitimizer” of government is the ballot not the bullet”

8. “A time comes in a man’s life when he must prefer a meaningful death to a meaningless life.”o

7. “I will never be able to forgive myself if I will have to live with the knowledge that I could have done something and I did not do anything.”

6. “I believe that the Filipino will respond to the call to greatness not by coercion but by persuasion, not by intimidation but through the ways of freedom.”

5. “My friends do not forget that your readiness to suffer will light the torch of freedom which can never be put out. Do not forget that we who are now in the middle of our years must inspire the youth when they are almost in the brink of despair. Do not forget that the purpose of life is precisely reexamining our being, not merely a floating flotsam in the time, in the floods of time. Do not forget, as Longfellow said that we should never be like driven cattle, but be a hero in the strife.”

4. “I could have opted to seek political asylum in America, but I feel it is my duty, as it is the duty of every Filipino, to suffer with his people especially in time of crisis.”

3. “What can one man do if the Filipino people love their slavery, if the Filipino people have lost their voice and would not say no to a tyrant, what can one man do. I have not army, I have no following, I have no money, and I only have my indomitable spirit.”

2. “We should not depend on one man; we should depend on all of us. All of us are expandable in the cause for freedom and therefore I say stand up now and be a leader, and when all of us are leaders, we will expedite the cause of freedom.”

1. “I have weighed all the virtues and faults of the Filipinos, and I have come to the conclusion that the Filipino is worth dying for.”

These words should remind us that we are a strong nation if we are united in one cause. That the power we have is so strong we can change our future. One man has made us believe in this power before. May we not forget that we can always use that power to bring changes to this nation. After all, Filipinos are worth fighting for.

********

There are lots of circumstances our country is facing. We are in the middle of severe crisis. Health crisis, economic crisis, constitutional crisis, education, climate, jobless surge is worsening, poverty and hunger, killings, corruptions, press freedom and many more. 

May we all be reminded of the wisdom Ninoy Aquino have taught us. May his words be our guiding light to stand for what is right, stand for truth, and stand for our country. 

GOD BLESS THE PHILIPPINES AND GOD BLESS THE FILIPINO PEOPLE🇵🇭


#PunchTheLies🤛


#RememberNinoy
#StandForPhilippines
#StandForTruth


Note: Ron Mia is a writer and the Editor in Chief of GIGSMANILA. http://www.gigsmanila.com/

Wednesday, August 19, 2020

BALANSE! KUMPETISYON (Ni Ba Ipe)

 

PUSPUSAN ang paghahanda ng Kongreso sa Bayanihan To Heal as One Part 2 bilang pagpapatuloy sa naunang batas na natapos ang bisa noong Hulyo. Mas maliit ang itinakdang ayuda sa mga tatamaan ng pandemikong dala ng China-Duterte Virus. Aabot lamang sa P162 bilyones ang budget sa ilalim ng Bayanihan-2. Mayroon P275 bilyones ang budget sa naunang Bayanihan.


Subalit may dalawang kapansin-pansin na probisyon sa mungkahing batas. Tungkol ito sa pagpapataw ng 60-araw na pahinga, o moratorium sa pagbabayad ng mga utang at iba pang responsibiidad sa pananalapi at pag-aalis sa loob ng tatlong taon ng mga requirement ng local government units (LGUs) sa pagtatayo ng tore sa telekomunikasyon.


Mukhang walang problema sa 60-araw na pahinga sa pagbabayad ng utang. Subalit may pumapalag sa pagpapaluwag ng mga requirement ng LGUs. Raket ng maraming opisyales sa LGUs ang pagtatayo ng tore ng mga telco. Mawawalan ng kita kapag tuluyang niluwagan ang pagtatayo ng tore.


Masisilip na layunin ng Kongreso na tulungan ang Dito Telecommunity, ang pangatlong telco, na totoong naiwan sa paglalatag ng imprastraktura. May plano silang magtayo ng 1,500 tore sa buong bansa at pagkakabitan ang mga ito ng mga pasilidad sa teleko-munikasyon. Dahil sa pandemiko, nakagawa lamang sila ng 300.


Aburido si Rodrigo Duterte sa takbo ng pangyayari. Kailangan apurahin ang pagtatayo ng mga tore. Subalit imbes na sapilitang kunin ang pasilidad ng dalawang telco – PLDT Group at Globe Telecom – mas minarapat ng ilang lider sa Kongreso na gumawa ng positibo.


Labag sa batas ang plano ni Duterte na kanyang inilabas sa kanyang SONA. Hindi maaaring basta kunin ang pasilidad ng dalawang telco upang ibigay sa Dito Tel. Mas maigi alisin ang mga balakid sa pagtatayo ng tore. Buksan ng ganap ang industriya at hayaan ang mga telco na malayang maglaban-laban sa ngalan ng kompetisyon.


Dahil sa Bayanihan 2, iniligtas ng Kongreso ang sarili upang magamit ni Duterte sa panggigipit sa dalawang telco. Mukhang magiging masaya ang lahat ng telco player sa naisip na solusyon. Kahit ang Dito Tel papayag sa mungkahing probisyon. Hindi maganda sa pagnenegosyo ang manggipit upang kumita. Mayroon tinatawag na fair play kung saan lahat ng player ay malayang nagkukumpetisyon.


***


AMING tinalakay ang mga ilang kaganapan tungkol sa biglang pagkawala umano ni Duterte at ang balita na pumunta siya sa Singapore upang sumailalim sa ilang maselan na medical procedure. Ibinabahagi namin ang aming lathalain.


WALA SA HULOG (IKALAWANG BAHAGI)


Kinilala naman nila na humaharap sila sa isang matinding krisis sa pakikipagtalastasan. Pilit silang nagpapaliwanag, ngunit sa gitna na lahat ng kanilang pagpipilit at pagpupunyagi na makapagpaliwanag, sumasabit sila. Imbes na magbigay liwanag, mas lalong nababalot ng hiwaga ang totoong kalagayan ni Rodrigo Duterte. Sa maikli, sa kanilang pagpupumiglas na makalusot, mas lalo dilang nababaon sa kumunoy ng kasinungalingan. Hindi tuloy sila pinaniniwalaan ng sambayanan. Narito ang paliwanag upang magkalinawan …


1. Kagabi, nagpalabas ng ilang larawan si Bong Go. Totoong ipinakita na buhay si Duterte. Pero maigi na rin ang malinaw. Pinasinungalingan ng mga larawan na pinakawalan ni Bong Go na hindi totoo ang sinabi ni Harry Roque na “in perpetual isolation” ang kanilang amo. Kung susuriin, wala sa aklat ng medisina at batas ang perpetual isolation. Isa lang ang ibig sabihin niyan – patay na si Duterte. Sinungaling si Harry Roque, iyan ang kalatas ng mga larawan. Buhay na buhay ang amo nila.


2. Subalit may mga nakapansin na kakaiba sa mga larawan. Sinasabi nila Duterte, Bong Go, at Harry Roque na hind siya umalis ng Davao City at nananatili sa kanilang tahanan, ngunit kapansin pansin na may nakalagay ng munting kalatas sa dingding ng silid na kinalalagyan niya – SR -1. Mukhang nasa ibang lugar si Duterte at Bong Go. Mukhang nasa isang silid sila ng pagamutan. Hindi tahanan ni Duterte ang makikita. Walang naglalagay ng room number sa sariling tahanan kahit mansion pa mandin.


3. Sa video clip na pinakawalan ni Bong Go sa social media, makikitang mahinang mahina si Duterte. Halos hindi makapagsalita. Halong hindi maibukas o maidilat ang kanyang mata. Larawan siya ng kawalan ng lakas upang mabuhay. Hindi maitatatwa na may karamdaman si Duterte. Mukhang sumailalim siya ng isang hindi maipaliwanag na medical procedure.


4. Patuloy ang pagdagsa ng mga kalatas mula Singapore na nagpapatunay na nandoon nga si Duterte. Kumbinsido ang maraming Filipino na nakabase doon na itinakbo si Duterte sa isang malaking pagamutan sa Singapore na may reputasyon sa kasanayan sa isyu ng China Duterte virus.


5. Hindi rin nakatulong ang larawan na kasama ni Duterte si Honeylet at ang anak. Mali ang hawak ni Honeylet sa peryodikong Manila Bulletin. Masyadong bata ang anak nila. May sapantaha tuloy na photoshopped ang larawan.


6. Mas lalong hindi nakatulong ang pagharap ni Duterte sa telebisyon. Malaki ang pagdududa ng prerecorded ang kanyang binitiwang statement at diskurso. Napansin ng netizen ang kanyang suot na relo. Iba ang oras sa oras na naganap iyon. Mukhang ginawa ang video noong Linggo ng umaga – mga 8:30 o 9:30 Manila time. Mga 11:20 pm na siya humarap sa telebisyon.


7. May nakapansin na movable divider ang nasa likod ni Duterte sa kanyang diskurso sa telebisyon. Hindi gumagamit ng ganyang furniture ang sinumang president ng bansa. Walang respeto sa Office of the President.


8. Siempre, kataka taka na wala sa Davao City si Bong Go ngayong araw. Hinanap siya ng local media pero no show. Sa Senado, hinanap rin siya. Nakatakdang buksan niya ang pagpapatuloy ng pagdinig sa anomalya sa PhilHealth. Hindi niya nabuksan dahil wala siya.


9. Pawang nawawala ang maraming opisyales na malapit sa kanya. Kahit si Harry Roque ay nawala. Papalubog na ba ang barko. Hindi natin alam.


10. Iyong statement ni Harry Roque na perpetual isolation, may katotohanan ba ito. Nakikita ba ni Harry na mamamatay na ang amo niya? Eskirol ba siya kaya siya ang nagpapahiwatig?


WALA SILA SA HULOG …


Hayaan ninyong magkalinawan …


1. Kahapon ng hapon, mga 4 pm, kumalat ang larawan ng isang Lear Jet, isang medical jet na naglanding umano sa Davao City. Galing daw ito sa Singapore. May isang tao na maysakit ang dinala umano ng Lear Jet pabalik sa Singapore. Kumalat ang larawan. Naging viral. Santambak ang nagbahagi (share). Pagsapit ng gabi, matunog ang balita na si Rodrigo Duterte umano ang dinala ng Lear Jet sa Singapore.


2. Dahil sa pagkalat ng balita, marami ang sumubaybay. Kasama na ang mga Filipino na nakabase sa Singapore. Sapagkat Linggo, marami ang day-off. May oras sila upang tingnan kung totoo o hindi ang nag-viral na larawan. Umpisa na ang krisis.


3. May mga kumalat na kalatas ng mga Filipino, nakabase o hindi sa Singapore, na nagpapatunay na si Duterte nga ang dinala doon. May mga kalatas na ipinasok siya sa Queen Elizabeth’s Hospital. Hindi na mapigil ang daloy ng balita. May nagsasabing malubha na. May nagsasabing naka intubated na. May tubig na sa baga, at ano-ano pa. Sa puntong iyan, malinaw na lumalaki ang isyu at nagiging krisis na.


4. Mas lalong umigting ang mga balita-balita nang umamin kahapon si Ed Año na positibo siya sa Covid-19. Sa salaysay ni Ed Año, nakaramdam siya ng sintomas ng Covid noong ika-13 ng Agosto, Huwebes. Nagkaroon siya ng swab test noong Biyernes. At kahapon, nalaman niya ang resulta na positibo siya. Samantala, may mga larawan na kasama ni Duterte si Año sa pulong ng IATF sa Davao City noong ika-10 ng Agosto. Doon umigting ang hinala na maaaring nahawa si Duterte kay Año, o baligtad – si Año ang nahawa kay Duterte. Ang ibig sabihin ay nagkaroon ng viral infiltration sa kanilang hanay. Nagkahawaan sila. Sila-sila.


5. Maalaala rin na nagkaroon ng lockdown sa PCOO sapagkat mayroon 33 tauhan ang nagpositibo. Ibinalita ito kamakailan lamang. Marami sa kanila ang labas masok sa Malakanyang dahil sila ang sumusubaybay sa coverage kay Duterte. Sa maikli, mayroon talagang viral infiltration sa Malakanyang. Sa maikli, matindi ang virus sa Palasyo.


6. Makakalusot na sana pero totoong mahina ang ulo ni Harry Roque. Ginamit niya ang salitang “perpetual isolation” kay Duterte. Ginawa umano ito ng mga tauhan ng PSG sa kanya. Wala raw nakakalapit kay Duterte. Hindi naman niya sinabi kung ano ang “perpetual isolation.” Hindi rin niya sinabi kung kailan inumpisahan ang ganitong kostumbre. Bungi bungi ang salaysay ni Harry Roque. Lumalabas na limitado talaga ang kanyang pag-iisip. Kaya pala hindi siya nagklik bilang manananggol sa usapin ng karapatang pantao. Wala siyang naipanalong kaso.


7. Umikot ng umikot ang balita. Nataranta ang Makanyang. Naglabas ng pahayag si Bong Go na huwag daw gumawa ng fake news. Teka, mukhang hindi sila alam na sila ang gumawa ng krisis. Dahil sa kakulangan nila ng maayos na paliwanag, umikot ang maraming speculation tungkol sa kalusugan ng tila nababaliw na si Duterte. Ganap ng krisis ang sitwasyon. Kaya lang likas na mahina ang ulo ng mga taga Davao City at hindi nila naiintindihan ito.


8. Dumagdag pa si Teddy Locsin. Sa kanyang pahayag na dinala ng Instagram, halos umiiyak, o umiiyak ng talaga na nagpapasalamat siya na buhay si Duterte. Tumindi ang krisis at hindi maaalis ang paniwala na malubha nga ang presidente nila. Krisis pa rin.


9. Lalabas daw si Duterte sa isang “virtual presscon.” Ewan kung ano ang ibig sabihin ni Harry Roque ng virtual presscon. Mukhang magsasalitang mag-isa si Duterte mula sa hindi malaman na lugar bagaman sinasabi na sa kanyang tahanan sa Davao City.


10. Kung masama ang katayuan ni Duterte, marapat na magbitiw siya at magbigay daan kay Leni Robredo. Marapat sundin ang itinatadhana ng Saligang Batas. Tanging ang Pangalawang Pangulo lamang ang maaaring pumalit kay Duterte. Si Leni Robredo ang halal ng bayan at tanging siya lamang ang papalit kay Duterte.


*****

Note: Philip M. Lustre Jr. is a veteran journalist. He writes books, occasional opinion pieces for traditional and nontraditional media. To read more on his articles, views and opinions, follow him at:

Twitter@IpeLustre 


POLICE FILES TONITE - BALANSE Ni Ba Ipe


TAO PO! KAWALAN NG TIWALA (Ni Bobot Fradejas)

 


KAHIT anong paliwanag ni Rodrigo Duterte o sinuman sa kanyang alipures, malaking bahagi ng sambayanan ang hindi naniniwala sa kanila. Sa social media, kaliwa’t kanan ang damdaming tumututol. Wala silang sampalataya sa tila bangag na lider. Masisilip ang kawalan ng tiwala sa kanyang pamumuno at kakayahan na dalhin ang sambayanan sa landas na katanggap-tanggap.

Kahit lumabas sa PTV-4 si Duterte at nagpaliwanag noong Lunes ng gabi, maraming kababayan ang hindi naniniwala na nasa Davao City siya. Sa ganang kanila, nananatili na nandoon siya sa isang pagamutan sa Singapore. May mga pagdududa sa mga larawan at video clip na ikinalat ng kanyang kampo.

Mukhang nadoktor ang mga larawan na ikinalat nila sa social media. Ngunit hindi lahat. Kataka-taka na hindi natanggal ng photoshop ang numero ng silid ng pinagdalhan sa kanya. Wala siya sa kanilang bahay sa Davao City. Mukhang pagamutan ang paligid. Mukhang pre-recorded rin ang kanyang diskurso sa telebisyon. My duda na kinunan iyon noong Lunes ng umaga nang umugong sa social media ang kanyang biglang pagkawala.

Matindi ang panalangin ng maraming netizen na sana tuluyang mamamatay si Duterte upang mapalitan siya ng Pangalawang Pangulo. Iginiit ng maraming netizen na tanging si Leni Robredo ang may matwid na pumalit sa kanya sapagkat siya ang halal ng bayan. Malabo ang direksyon ng bansa sa ilalim ng kanyang pamumuno.

***

NAGPARINIG si Duterte sa kanyang pagharap sa telebisyon na maaari niyang tawagin ang militar kung sakali mawala siya sa eksena. Kahit ano pa ang sabihin niya, hindi maaari ang mga sundalo ang magpatakbo ng gobyerno. Iisa lang ang sinabi ng Saligang Batas. Kapag nawala si Duterte, ang Pangalawang Pangulo ang papalit.

Sa maikli, si Leni Robredo ang kapalit ni Duterte. Kahit ano ang sabihin nila, si Robredo ang may poder na humalili kay Duterte na pinaniniwalaan na may karamdaman. Labag sa Saligang Batas na makialam ang militar. Malinaw ang Saligang Batas: Nangingibabaw ang awtoridad ng gobyernong sibilyan sa militar. Hindi ito puedeng baliin.

Hindi totoo ang ikinakalat sa social media na magkakagulo kapag nawala si Duterte at pumalit si Leni. Kasinungalingan ang ipinipilit na maaaring mauwi sa giyera sibil ang sitwasyon. Walang basehan ang ganitong paniwala. Tama ang sabi ng isang kaibigan na hindi lumalaban ang mga retiradong heneral na pawang yumaman.

Hanggang maaari, gusto nila malaya sa anumang asunto at sumaya sa piling ng kanilang nakulimbat. Hindi malayo na bibilhin lang nila ang susunod na gobyerno. Hindi sila manghihinayang na ibuhos ang kalahati ng kanilang nakulimbat basta huwag lang sila makulong. Wala rin silang sundalo o pulis na maaasahan na itaya ang kanilang buhay para sa kanila.

***

NAGPATULOY kahapon ang pagdinig ng Senate committee on health tungkol sa pandarambong sa pondo ng PhilHealth, subalit no-show ang chairman ng komite na si Bong Go. Hinanap siya sa Senado, ngunit hindi nakita. Hinanap rin siya ng local media sa Davao City, subalit hindi nakita kahit ang kanyang anino.

Missing in action si Bong Go. May nagmungkahi na hanapin siya sa Singapore. Importante ang papel ng chairman ng komite. Siya ang may kapangyarihan magtakda kung saan dadalhin ang imbestigasyon. Alam ni Bong Go na tatamaan ang kanilang mga alipures sa Davao City sa imbestigasyon.

***

May batayan ang hinala na tinamaan ng Covid-19 si Duterte. May mga larawan na ipinamudmod ang Palasyo kung saan makikita si Duterte na nakikipagpulong kay Ed Año, kalihim ng DILG, noong ika-10 ng Agosto sa Davao City. Lumabas ang mga larawan sa mga peryodiko at social media.

Tatlong araw ang nakalipas at nakaramdam si Ed Año ng mga sintomas ng trangkaso. Nagpa-swab test noong Huwebes. Noong Linggo, nakita niya ang resulta: positibo sa Covid-19. May mga sapantaha ang ilang netizen: Nakuha ba ni Año ang sakit kay Duterte, o nahawa si Duterte sa kanya. Mukhang nagkahawaan ang mga taga-Malakanyang.

Sa kanyang pagharap sa kamera noong Lunes, makikita na naghahabol sa paghinga si Duterte. Hind namin alam kung sintomas ito ng Covid-19. Isa ang malinaw: Hindi normal ang kanyang paghinga.

***

MAYROON post ang aming kaibigan na Dave Veridiano na nagpahayag ng kanyang kuro-kuro na hindi babaligtad ang AFP sa sinumpaang tungkulin na suportahan at ipagtanggol ang Saligang Batas. Narito:

“Mga pards, sa AFP at PNP, ang highly politicized lang naman diyan ay ang mga Generals at mga Colonels na gustong magtagal sa kanilang juicy posts. Pero pagdating na sa pagpapatupad ng Saligang Batas, nasisiguro ko (alam ko kasi halos tatlong dekada ko nakasama ang iba-ibang grupong ito sa loob ng mga kampo!) ang masusunod ay ‘yung mga nakararaming junior officers (from tenyente hanggang kapitan pero isasama na rin natin ang ilang mga major) na siyang magkakapit-bisig upang ipatupad ang nararapat.

“Ilang beses na ‘yang nangyari – walang nagawa ang mga special teams ng mga nakaupong Generals. Ang namayani palagi ay yung kinakampihan ng mga junior officers, na siyang mga leader ng military at police teams o units na nakakalat sa buong bansa. Sila ang may puwersa kaya sila ang biglang nasusunod. Ang mga General at colonels na kumampi sa mga ito ang mga parang tumama sa lotto kapag natapos na ang pag-aaklas. Sila agad ang mauupo sa magagandang puwesto samantalang yung mga pobreng junior officers ay balik field assignments ulit. Ang punto ko rito — huwag tayong mag-alala sa ating pulis at militar – mas nakararami sa mga ito (mga tahimik lang sila at nakikiramdam) pa rin ang makabayan at ipaglalaban ang ating Saligang Batas.”

***

May ulat ang Diamond Risk Assessment, isang lokal na think tank, tungkol sa muling pagbuhay ng ekonomiya. Mukhang hindi kayang buhayin sapagkat walang malinaw na plano ang gobyerno:

“The economic managers, through Finance Secretary Sonny Dominguez, have argued to strike a balance between protecting public health and restarting the national economy. They have realized the paradox that despite the rising incidence of Covid-19 infection, the national economy has to restart to prevent a national catastrophe. It is still unclear on how to jumpstart the national economy while new cases of viral infections keep on rising. There are plans, programs, and targets too.

It could be anticipated the national economy would continue to post sluggish growth – or indicate recession over the next two years. The 100-day lockdown had profound and lasting ill effects to the national economy. As a rule, a pandemic could last a year or two. There is no known roadmap on how the country would face the pandemic in the next two years or three.

The economic managers are in disagreement on how to jumpstart the economy. Ernesto Pernia had resigned his post as NEDA chief because he disagreed with Sonny Dominguez, who is regarded as the primus inter pares among the economic managers. Their disagreement has not been made in public, although Pernia favored the immediate reopening of the national economy in sharp contract to what his more conservative colleagues wanted.

At this point, we can draw scenarios over the next year: unsolved pandemic issues coupled with a stagnant economy, on the one end; or, on the other end, a recovering economy amid millions of vaccinated citizens, who have returned to the old normal. Judging the weak response of the Duterte team, the first scenario of an unsolved pandemic coupled with an economy in recession is most likely.”

***

MGA PILING SALITA: “Dumanas nawa kayo ng kasawian.” – dasal ng mga lider Simbahan sa mga puwersang nagtataguyod ng EJK

“Pinanood ko si Digong. Wala talaga! Drugs pa rin at patayan. Siya ang mukhang nakadrugs. Walang sustansya magsalita… Ako na lang magpresidente.” – Larry Lachica, netizen


******


WALA NA TALAGANG TIWALA NG TAONG BAYAN KAY DUTERTE DAHIL SA PALPAK AT IRRESPONSABLENG PAMAMALAKAD NITO. IMBES NA COVID-19 AT SA DAMING PROBLEMA ANG ATUPAGIN, PURO DROGA PA RIN. AT KASALANAN NA NAMAN NG HUMAN RIGHTS? SINO BANG NANGAKO NG 3-6 MONTHS?



#PunchTheLies🤛


******

Note: Bobot Fradejas is a veteran media man, speaker, writer and columnist. He is hosting a regular forum “SATURDAY NEWS FORUM” every Saturday at University Hotel. To read more on his articles, views and opinions, follow him at: POLICE FILES TONITE - TAO PO Ni Bobot Fradejas

Friday, August 14, 2020

TAO PO! ITINULAK SA BANGIN (Ni Bobot Fradejas)

 



MISTULANG itinulak sa bangin si Ricardo Morales, ang kontrobersiyal na CEO ng Philhealth. Imbes na si Duterte o sinuman sa kanyang matapat na alipures ang maging mukha ng korapsyon ng gobyerno ni Rodrigo Duterte, si Morales ang napisil na itulak sa bangin ng kahihiyan. Si Morales ang naging sangkalan ng matinding poot ng sambayanan.

 

Panligaw ng atensyon si Morales. Mabisa siyang panangga (shield) sa mga batikos kontra kay Duterte. Mayroon pa bang mas hihigit sa biglang pagkawala ng P275 bilyones na pondo kontra Covid-19 na ipinagkaloob ng Kongreso sa ilalim ng BAHO Law? Biglang naubos ang pondo ng administrasyon ni Duterte sa pagsugpo ng mapinsalang virus. Hindi maipaliwanag ng maayos ng gobyerno ang biglang pagka-ubos.

 

Ano ba naman ang nawalang P15 bilyones na nawalang pondo kung ihahambing sa P275 bilyones? Malaki ang pagkakaiba, ngunit bilyones pa rin. Masakit pa rin sa tenga ang tunog ng bilyones. May isinulat ang isang netizen na ayaw ipabanggit ang pangalan tungkol sa usapin. Pakibasa:

 

“In the interest of fairness and before I cast publicly my full-blown ire on Gen. Morales re the Philhealth scandal, I tried to gather as much info on the man’s track record. Judging by info I had gathered online, I would have pictured him to be an upright military man who had a personal low key crusade against corruption, particularly within his military environment, so much so that it cost him to be relegated to floating status at the last stage of his military career during GMA’s time. His last assignment as a military man was to manage the pozo negros of th AFP.

 

“Mon Tulfo’s commentary on him once was “would you trust a traitor?”. This was because he once was assigned to be the aide of Imelda, after which he joined the RAM that culminated with the EDSA revolt.

 

“His only connect with Duterte as far as I know prior to his Philhealth appointment in 2019 was that he was from Davao. My suspicion is that since ang laki na ng bahong nagawa ng present government sa Philhealth, they needed to put someone there na pwede nilang ilaglag at ipitin eventually as the mastermind. This way, Dutae goes scott-free. This would explain to me bakit kusang adversarial kuno kay Morales ang mga politico na alyado kay Digong like Bonggo and Sotto. Tipong set-up ang naamoy ko.

 

“Ngayon, they find out that Morales is dealing with cancer, there is a strong chance na he could shift his disposition at ilahad na niya lahat ng napag-alaman niya about Philhealth in order to protect his own legacy. So, namaniobra naman ng gubyerno and he was tricked, persuaded, or threatened na hindi na siya mapa-appear in another public senate hearing. They fear they might be dealing with a loose canon . The buck will stop at Morales.

 

***

 

HINDI pa tapos ang usapin ng Philhealth. Nakakagulat ang muling pagkabuhay ng mga bayarang troll na kumakampi kay Duterte. Pinag-initan si Risa Hontiveros na dating kasama sa board of directors ng Philhealth noong hindi pa siya senadora. Pilit na ibinibintang ang korapsyon bagamat mahigit apat na taon na siyang umalis sa panunungkulan doon.

 

Walang maipakita ang mga troll kundi ang napakaraming meme laban kay Risa. Walang ebidensiya, walang paper trail, at walang wala talaga. Halatang pinagana ang salapi ng sambayanan at bilhin ang mga troll upang umatake kay Hontiveros. May pahayag si Jaye dele Cruz-Bekema, isang abugada:

 

“The past few days have been a tiring, seemingly futile, struggle against the well-oiled machinery desperate to attach Senator Risa to the multi-billion controversy now hounding Philhealth. I’ve seen so many memes, so many posts, especially those coming from that “pa-woke millennial” girl creating content for the funded troll farms.

 

“Of all the posts I’ve seen though, the one below offends me on a deep and personal level. Not just because it’s petty (kayo na ang poreless) and illogical (hello, yung isang photo, asa rally, yung isang photo professional photo shoot, ano ba!??) But because I personally witnessed the event from which that photo on the left was taken. I saw with my two eyes how then Akbayan Rep Risa was forcibly pushed into a police mobile by agents of the state executing PP 1017. You know why she was so angry? Because she was seeing how her other companions were being physically manhandled. You know what she was shouting at that very moment, “Huwag niyo sasaktan mga kasama ko!” She was not thinking of herself, not thinking of the indignity of a sitting Congresswoman hauled off like a common criminal. She was thinking of us, her kasamas. She was worried about us.

 

“That moment you say she is pangit and not makinis? That will always be the most beautiful version of her in my head.

 

“And you know what, Senator Risa has never changed. Empathy will always be her first impulse. Kindness and justice, her first instincts. The same kindness and justice that impelled her to investigate fraudulent cataract procedures during her short time in Philhealth. The same kindness and justice that inform all the work she does in the senate for ordinary Filipinos, for women and girls, for the LGTBTQ community, for victims of the War on Drugs, for the least and the last.

 

“Risa Hontiveros isn’t just a competent Senator, a committed public servant with no corrupt bone in her body. SHE IS A TRULY GOOD PERSON, the kind that is rare in this cynical world. To those who keep sharing and believing those horrible fake news social media posts, you are part of the operation to bring down a person who is truly a force for good in this country.”

 

***

 

KAGULAT-GULAT ang biglang pagkakasakit ni Morales at isa sa kanyang bise presidente. Nakatakda silang humarap sa pagdinig ng Senado ngunit nagpahayag ang dalawang opisyal ng Philhealth na magpahayag na hindi sila makakadalo dahil sa kanilang karamdaman.

 

Sapat na iyon upang umingay ang social media. Sabay-sabay na binatikos ang dalawang opisyal ng panloloko. Maraming netizen ang naglabas ng meme kung saan nakasakay sa wheelchair si Morales. Mas malupit ang ibang meme dahil nasa likod si Francisco Duque na nagtutulak ng wheelchair.

 

“Ang government official na nagigipit, sa wheelchair kumakapit,” ani isang netizen. “Wheelchair ang mabisang panlaban sa mga imbestigasyon,” ayon sa isa. Mayroon isang netizen na hindi nakatiis at nagsabing: “LET’S be blunt about it. The Philippines is a country at war with itself.”

 

Nagtataka si Apple Jam Amin na hindi nagkasakit sina Sonny Trillanes, Leila de Lima, maria Ressa kahit na ibinato na ang lahat ng kaso laban sa kanila. Hindi rin nagkakasakit si Chief Justice Maria Lourdes Sereno kahit illegal nilang tinanggal. Bakit nga ba?

 

***

 

MGA PILING SALITA: “We are only recording the COVID fatalities – and the number is still rising. But we are losing count of all the others. Should we stop counting, then?” – Inday Espina Varona

 

“Hospitals are turning away COVID patients left and right because they’re already overwhelmed, and have reached full capacity.” – Francis Baraan IV

 

“Netizens, particularly the employable millennials, may not know that firms they are applying for work conduct quiet background checks on them before they get the jobs. Usually, business firms have personnel staff, who do and collate BIs on you. Part of the BIs are the posts netizens make on social media. The posts they put on their socmed accounts serve as indicators of their mental and psychological stability, intellectual capacity, and nature and depth of their characters. Usually, firms, particularly the big ones, don’t hire prospective workers who have mental, moral, physical, and intellectual issues. They don’t like guys who have extremist views. They avoid people with fanatical inclination, particularly when it comes to politics and religion. They prefer people with a balanced and sunny disposition. In brief, middle of the road guys have better chances. Hence, avoid being loud and proud – or fanatical – on your posts. You would eventually pay for your bigotry and narrow-mindedness” – Archie Mendoza, netizen

***


Note: Bobot Fradejas is a veteran media man, speaker, writer and columnist. He is hosting a regular forum “SATURDAY NEWS FORUM” every Saturday at University Hotel. To read more on his articles, views and opinions, follow him at: POLICE FILES TONITE - TAO PO Ni Bobot Fradejas