Saturday, December 23, 2017

BULAKLAK NA HUWAD (Shared by: #MyFriend)





Bulaklak Na Huwad


Iba't ibang kulay, iba't ibang anyo
May mabaho, may mabango
Nakakaakit pumitas nito
Para ibigay sa iniirog mo.

Kay gandang pagmasdan
Tila walang kapahamakan
Bulaklak na rosas 'pag iyong tinitigan
Mamamangha ka ng tuluyan.

Sa unang tingin walang kapintasan
Ngunit kung iyong kilatisin ng matagalan
Ito pala'y huwad, malayo sa katotohanan
Hindi totoo, ito'y puno ng ka-plastikan.

Oo nga't mapupula sa unang puna
Oo nga't kaakit-akit sa unang kita
Sa una ito ay napakaganda
Subalit nalinlang ka ng iyong mga mata.

Sa pagkilatis, ibang pandama ay gamitin
Hindi lang magtiwala sa ating paningin
Amoy mabango at halos mukhang tunay
Huwad at plastik pala ang totoong kulay.


#PunchTheLies🤛


No comments:

Post a Comment