Thursday, December 21, 2017

DUgyot (Shared by: #MyFriend @joketerte30)



DUgyot

by: @joketerte30


Hitler ng Pinas kanilang iniluklok.
Inang Bayan naging kawawang pook.
Pinamumunuan ng pangulong ugok. 
Wala ng ginawa kundi maghamok, kabi-kabilaang putok.
Mga Pilipino naisasantabi sa isang sulok.

Kampong DDS gusto laging nasa tuktok.
Mga mangmang at utu-uto kanilang hinihimok.
Grupo nilang nagpapakalat ng balitang bulok.
Kapag sinuway 'di naman makapiyok.

Administrasyong hambog.
Maliliit na mamamayan ang binubugbog.
Samantalang binubusog ang mga tongresmang lapdog
Mga bata pinapatay imbes na dapat hinuhubog.
Mga pinuno ng droga, di nila matinag at maihulog.
Anak na si Polong, na pa-“No Way!” sa pagdulog.

Digong sa pagbabago?
Oh teka! Isa ka sa nalinlang at naloko
Sa bigong pangako ng isa palang berdugo.
Tokhang raw ang magpapanalo
Ngunit bansa ay binaha lang ng dugo.

Kung ika'y kokontra, sigurado ikaw ay ihahabla.
Sisiraan ka pa ng kanyang mga propagandista.
Kahit sa pagbibiro bunganga mistulang basura.
Dada ng dada magmukha lang bida.

Galit kuno sa kurakot.
Mga kaibigan at alyansa naman lakas mandakot.
Kabi-kabilang pandarambong sila nasasangkot.
Kaya labanan natin ang pamahalaang DUgyot
Nang tayo sa bandang huli ay di malagot at nakabusangot.

#PunchTheLies­čĄŤ

No comments:

Post a Comment