Saturday, December 16, 2017

KASINUNGALINGAN (by: @PunchTheLies






KASINUNGALINGAN

By: @PunchTheLies


Ito ang nagbibigay saya sa karamihan
NG naglalasing o nagpapakasasa sa kapangyarihan,
maging sa gobyerno man o sa isang kumpanya,
maraming nagagawang kalokohan at kagaguhan.

Kasinungalingan! Ito ang sumisira sa lipunan,
maging sa relasyong mag-asawa, pamilya, O kapitbahay,
KATRABAHO man o MATALIK NA kaibigan.
Mala-anghel kumilos, mapagpanggap AT kapanipaniwala
NGUNIT mapaglinlang.

Ngunit laging tatandaan:
Ang kasinungalingan ay laging may hangganan.
Kahit gaano mo ITO pagtakpan,
lalabas at lalabas ang katotohanan!

Magpakasasa ka man ngayon sa iyong kasinungalingan,
Isang araw magugulat ka na lang, sa isang iglap, nilamon,
sinuntok at pinabagsak ka na pala ng katotohanan!




#PunchTheLies🤛

11 comments: