Wednesday, December 20, 2017

MODUS: Barya-Barya Sa Pagdudugas Ng Sobra-Sobra (Shared by: #MyFriend)



Malapit na ang pasko.
Mag-ingat sa mga taong ganito.
Minsan sa jeep mayroon nito.
Minsan sa bus paroo't parito.

“Magandang araw po
Mga ate at kuya ko!
Hindi ako magnanakaw po.
Hindi po ako masamang tao.”

Kanya-kanyang rason
Sa paghingi ng donasyon.
Kanya-kanyang salita
Para sila'y magpaawa.

Ang iba'y may bitbit,
Minsa'y papel na dikit-dikit.
Resibo na ginastos sa taong may sakit,
Ngunit ako’y may dudang malupit.

Minsan nama'y sanggol ang sukbit
Ng aleng sa pasahero'y lumapit.
"Ate, Kuya pengeng barya."
Iyan ang laging sambit nila.

Sa isang sulok sila'y aking nakita,
Mga bata at babaeng nakatatanda sa kanila.
Kanya-kanyang hawak sa plastik na botelya
Sabay singhot at malalim na hinga.

Singhot, hinga, singhot, buga
Hanggang sa mamunga'y mga mata.
Tila walang problema
Na kanilang iniinda.

Kaya pala ayaw sa bigay na pagkain,
Pera ang gustong hingiin.
Iba't ibang pagkukunyari.
Iba't ibang diskarteng niyari.

Magkunwaring biktima,
Magkunwaring kawawa,
Magkunwaring naaapi,
Upang makahanap ng salapi.


#PunchTheLies🤛

3 comments: