Monday, December 18, 2017

TADHANA: Ang Bangungot Ng Kahapon (Shared by #MyFriend)



TADHANA: Ang Bangungot Ng Kahapon



Ako ito! Biglang nagbago
dahil sa isang bagay naakit ako.
Pagkakamali ng kahapon, sobrang dinurog ang aking puso.
Kaya ngayon di ko alam kung saan tatayo.

Tadhana ko labis akong pinaglalaruan.
Kaibigan ko bigla akong nilisan.
Kasiyahan bigla akong sinukuan.
Hanggang kelan ako matutulog ng luhaan?

Dasal ko'y unti-unting pumanaw.
Kalungkutan ng buhay sa panaginip laging sumasayaw.
Dahilan ko'y sobrang babaw
sa kapatawaran kung saan ako'y uhaw na uhaw.

Hindi na ata ako makakaahon
sa pagkakalugmok sa akin ng kahapon.
Sa kamalian at sakit na aking ginawa
para akong pinagtaksilan ng langit at lupa.

Hanggang kelan ko mararamdaman
ang bigat na dulot ng aking kamalian?
Kailan ako magigising sa katotohanan
na ang tadhana ko ay labis akong nilinlang?
Kaya mga kaibigan ko ay umalis na ng tuluyan
at hindi na nila ako babalikan.

Panaginip ba'y lagi akong palulungkutin?
Tumingin ako sa salamin imahe ay galit din sa akin.
Parang ang kasiyahan ay pilit kong nililibing
kasama ng pangarap kong hindi na maatim.

Ito na ang huling talata ng aking tula,
tula na puno ng hinagpis at luha,
luha na araw-araw kong nakukuha
dahil sa paglalaro sa akin ng Tadhana,
Tadhana na tuluyan na akong nawala.


#PunchTheLies­čĄŤ

2 comments:

  1. Chuk chak chenes tulo ang dugo
    Walang puwang ang kaibigang mapag balatkayo
    Sa samahang totoong solido.

    ReplyDelete
  2. Advocacy is schismatic
    But openness cures it
    If one lives on deceit
    His/r life will be chaotic.

    Merry Christmas posses!

    ReplyDelete