Wednesday, January 31, 2018

BULKANG MAYON, BIKTIMA NG KABOBOHAN NI MOCHA {Shared by: #MyFriend Bing Bing)


Bulkang Mayon, Biktima ng Kabobohan ni Mocha


“Ang Mayon ay nasa Naga”
Pahayag ng ga**
“Ang Mayon ay nasa Bicol”
Palusot ng ul**

Maling impormasyong ikinalat,
Maling balitang isiniwalat
Tila mas malaking perwisyo
Kaysa sa pagbuga ng abo.

Nakakabahala ating gobyerno,
Mga taong niluklok sa pwesto
Ano bang trabaho ng babaeng ito?
Kuhanan ng video mahal nyang panggulo?

Maging sa Senate
Hiling niya'y "self-incrimenate"
'Di pinalagpas pati mosque,
Ginawang pook para sa selfie.

Matayog ang pangarap
Ng babaeng kurap ng kurap
Madalas din syang kasama ni Duterte,
Pati sa panghimpapawid na mga biyahe.

Naku Nannielet, maagawan ka!
Pag-giling ang panlaban nya.
Naku Pilipinas gumising ka,
Baka bukas pag-aaari ka na ng Tsina.


#PunchTheLies🤛

2 comments: