Monday, January 29, 2018

ISANG ALAMAT (Shared by: Merel Iren)



Isang Alamat


Tagalakad, tagasulat,
Tagabulong, tagabitbit,
Tagasunod, tagapitik,
Lahat na'y inako ng lintek
Kaya eto bilyonaryo agad ang switik.

Sa selfie parang ang bait
Pero sa gapangan malupet
Pwede ba makita SALN ni Tutoy?
O baka naman siya ay hindi rin Pinoy!

Pero bakit nga ba siya'y bilyonaryo?
Eh 'di ba alalay siya ng isang berdugo?
'Di nyo ba hahalungkatin kanyang sekreto?
Asan ba si Isabelle at siya na ang magkuwento?

Pero bilib ako sa kumag na ito
Mga heneral inuutusan ng loko
Kinakatkong kontrata sa gobyerno
Yan ang alamat ni Mr. Bong (ga)Go!


#PunchTheLies🤛

No comments:

Post a Comment