Monday, January 22, 2018

KADAKILAAN (Parangal Para sa Kaarawan ni Rep. Gary C. Alejano)



KADAKILAAN

by: #PunchTheLies and Friends 


Para sa Pilipino siya'y lumalaban at naninindigan,
Handang ipagtanggol teritoryo ng ating bayan,
Representative Gary C. Alejano ang pangalan.
Walang inaatrasan, walang kinatatakutan.

Tayong lahat ay may mga katalinuhang angkin
Sa bawat bitaw ng salita at saloobin.
Ito ma'y napapahiwatig sa isang sawikain,
Bawat balangkas ng ating pakikipaglaban ang kalakip ay mabubuting hangarin.

Bilang mamamayang Pilipino tayo ay may lakas
Upang lumaban ng patas para sa ating saligang-batas
Na niyuyurakan at tinotodas ng isang ahas;
Isang pangulong walang modo, mapangahas at puro dahas.

Katiwalian ay pinunupuksa!
Mandaraya ay walang kawala!
Tatak Magdalo!
Karamay ko, karamay mo!

Tayo'y magpasalamat sa isang magiting at matikas
Na kongresista ng ating Pilipinas.
Tayo'y hinhiimok upang maging matatag at bumalikwas
Sa mga polisiya ng isang lideratong diktadorya.

Magiting na Sundalo.
Matinong Politiko.
Namumuno ng husto at wasto.
Isang tunay na maka-Pilipino.

Salamat sa inyong kadakilaan
Aming minamahal na Congressman.
Kayo po'y pagpalain habangbuhay
ng ating Poong Maykapal.


HAPPY BIRTHDAY REP. GARY C. ALEJANO
GOD BLESS AND MORE POWER!
MABUHAY PO KAYO! 


#PunchTheLies🤛

1 comment: