Friday, January 26, 2018

LAGING NAKASUNOD (Shared by: #MyFriend Bing Bing)



Laging Nakasunod


Bugtong-bugtong
Hindi anino, laging nakasunod
Bugtong-bugtong
Hindi artista ngunit laging extra.

Daig pa ang magsing-irog
Magkasama hangang araw ay lumubog.
'Di kaya magtampo ang maybahay
Ng tinatawag nilang tatay.

Sa tuwa nya sa kamera,
Mukha nya laging nakabandera.
Mga kabayang sa pag-edit malupit,
Mukha ni Bong kahit saan isinabit.

Nariyan si Bong na nakarating sa buwan,
Aba! Pati sa araw ng kalayaan!
Tanyag sa pagkuha ng larawan sa sarili,
Nabansagang hari ng selfie.

Kasa-kasama saan man magpunta,
May kapangyarihan, pwedeng magpasya,
Maging sa mga bagay sa gobyerno,
Kaya nyang magmungkahi ng gusto.

Sino nga ba si Bong Go?
Isa ba syang bilyonaryo
O kasabwat ng pangulo
Sa patuloy na panggagago?


#PunchTheLies🤛

No comments:

Post a Comment