Friday, January 19, 2018

MALAYA? (a Tribute to #Rappler) by: PTL and friends



Malaya? 


Ang alam ko kami ay malaya,
Malaya anuman ang gawa.
Ngunit tila unti-unting isinasara
Ang katiting na pagasa.

Pag-asang muling madinig
Maging sa buong daigdig.
Pilit binubusalan aming mga bibig
Upang mapatid mga taglay na tinig.

Tinig na siyang aming panangga
Laban sa mga taong mapang-alipusta,
Siya ring aming sandata
Sa mga pinunong sa kapangyarihan ay dusta.

Mayroong ibang nag-tatangatangahan,
Tila mga mata'y may piring sa kasinungalingan.
Mga nakikitang mali ay pinagtatakpan.
Lahat ng madumi sa kanila'y malinis kung tingnan.

Gumising ka aking kabayan!
Sa mapang-api ay manlaban.
Sarili natin ang aasahan
Upang karapatan ay makamtan.

Malaya?
Laban sa mga mandaraya?
O nagpaubaya?
Para sa inaakalang payapa?

#PunchTheLies­čĄŤ


#StandWithRappler
#DefendPressFreedom
#LabanParaSaKalayaan
#LabanParaSaBayan


No comments:

Post a Comment