Thursday, February 1, 2018

DIDILAAN MONG PABALIK #BOBOomerang (Shared by: #MyFriend Cris Vie)


Didilaan Mong Pabalik #BOBOomerang


Mocha, muchacha ka ba talaga ng bayan
Dahil ikaw ay sinasahuran?
Pagbutihin paglingkod sa bayan
Huwag maging tanga-tangahan

Mocha, kung serbisyo mo'y totoo
Salitang lumalabas sa bibig bawasan mo
Mag-isip mabuti bago magsalita
Pinapakita mo'y ikaw ay maralita

'Pag ikaw nagkamali ikaw pa galit
Salitang pagpakumbaba pilit na pilit
Sa pagmamayabang ika'y nangunguna
Mabuti ka lang sa salita ngunit kulang sa gawa

Binu-bully si VP Leni, tinatawag mong bobo
Ngunit bumabalik sa iyo lahat ng ito
Kung ano lalabas sa iyong bibig
Sa huli didilaan mong pabalik


#PunchTheLies🤛

No comments:

Post a Comment