Tuesday, February 6, 2018

MALUWAG PA (Shared by: #MyFriend Bing Bing)



Maluwag Pa


Gumising ng maaga para pumila,
Pumila hindi sa trabaho o eskwela.
Kundi para sa hanay sa MRT ay mauna,
Na sa haba ang dulo ay kabilang istasyon na.

Habang ika'y naghihintay
Iniisip kung ikaw ba'y sasabay
Sa mga pasaherong sa bus sumasakay,
Sakaling mas mabilis ang paglalakbay.

Sa bus na kahit walang maupuan
Parang sardinas na siksikan
Sigaw ng konduktor, “Maluwag pa! Maluwag pa!”
Kahit sa sikip ay halos magkapalitan ng mukha.

Balik tayo sa MRT, ano ba ang rason,
At ayaw gamitin ang mga bagon?
Dahil daw walang signaling?
Tila yata kayo'y nagsisinungaling.

Dahil daw hindi kaya ng riles,
Isa sa dahilan ni Alvarez?
Bakit dati ay may 20 tren ang tumatakbo
Ngayon ay bumaba hanggang pito?

May tren na nasira at ayaw magbukas ng pinto,
Kaya hanggang garahe umabot mga pasahero.
Nariyang sa pagkakakabit ay kumalas,
Tila baga pag-iibigang nagwakas.

Hindi na kinayanan,
Kaya biglang nang-iwan.
Sunod-sunod na pagkasira
Tila yata palala ng palala.

Nitong huli ito'y umusok
Na tila nagaamok.
Sugatan ang isang ale
Dahil sa takot at nagmadali.

Tila paghahanap ng karayom sa dayami,
Ang pag-asang ito'y maisaayos muli.
Dulot ay abala at perwisyo
Sa mga nagmamadaling pasahero.


#PunchTheLies🤛

1 comment:

  1. Ang mga bagong Bagon ayaw pagamit dahil isa sa Legacy ni PNoy ang mga iyan. Sobrang dumi talaga ng Kriminal na Sindikatong Admin Dutard.

    ReplyDelete