Saturday, March 3, 2018

BATIBOT (Parangal Para sa Kaarawan ni Kuya Bodjie Pascua)


BATIBOT

By: #PunchTheLies🤛 and Friends


Paboritong programa noong aking kabataan
Batibot, sa telebisyon ay inaabangan
Si Kuya Bodjie, isa sa pangunahing bida
Kasama ang matsing, pagong, at iba pa

Ang mga oyayi na aming narinig at taghoy
Hanggang ngayon sa aming puso ay dumadaloy
Patunay na ang sining at kultura'y nananatili sa aming damdamin
Sa kaisipan ng inyong tagasubaybay, ito'y nagniningning

Batibot, umaapaw sa kaalaman
Hindi lang pambata kundi pati pangmatanda
Kuya Bodjie, ngayon ay iyong kaarawan
Nais namin ika'y pasalamatan

Dahil kahit wala na sa telebisyon ang Batibot
Sa isip at puso namin, ika'y nanunuot
Para sa bayan, ikaw ay nakikipaglaban
Sa presidenteng ugaling kanto at kanyang pamahalaan

Ang araw na ito'y espesyal sa inyo at sa amin
Ikaw ay may ngiting walang kahambing
Ikaw ay dapat tangkilikin at hangaan
Hanggang ngayon ay may malasakit ka sa kabataan

Nawa'y dumami pa ang iyong kagaya
Na kahit nasa larangan ng pag-aartista
Walang takot ipakita ang pagtutol sa mga mali
Puno ng tapang, hindi nag-aatubili.


#PunchTheLies🤛


HAPPY BIRTHDAY PO KUYA BODJIE PASCUA!
GOD BLESS YOU MORE! MABUHAY PO KAYO!

No comments:

Post a Comment