Saturday, March 17, 2018

CHIEF LABAN SA MGA CHEAP (Pagpugay Para kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno)


CHIEF LABAN SA MGA CHEAP

By: #PunchTheLies🤛 and Friends

Isa kang dakilang tagapagtanggol
Pinunong Mahistrado na aming pinupuri
Pilit pinagbibitiw sa puwesto
Katotohanan ang iyong hangarin

Mukha ka ng katapangan at ganda
Hindi bingi at hindi nakapiring mga mata
Sa karahasan na nangyayari
Sa gobyernong mapagkunwari

Sa gobyernong puro katiwalian
Dala'y kahirapan at kamatayan
Mambabatas ka na panig sa katotohanan
Nilalabanan ang Rehimeng diktadurya, nilalabanan

Ika'y di pumapanig sa kasamaan
Kahit ito'y nagdadala sa'yo sa kapahamakan
Marami lang naiinggit sa iyo
Gusto ka nilang palitan sa puwesto

Hinainan ng impeachment para mapaalis sa pwesto
Para walang haharang sa anumang asunto
Pinapagretiro pero nanindigan
Isa sa pinakamatapang na babae sa kasalukuyan

Ang maaliwalas na mukha mo
Nagpapakurot sa kilay si De Castro
Halatang gigil na gigil sa iyo
Dahil ikaw ay malinis at mabuting tao

Ang mga tongresista ay buking na buking
Lalo na sa mga nagpasa para ikaw ay mapailalim
Dating CJ, dating SALN kanyang pinahimlay
Si Senador Escudero, iyan ang patunay

CJ Sereno, nandito lang kami sa inyong likuran
Ipagtatanggol ka, handa kaming lumaban
Handang sumapo pag ikaw ay itutulak nila
Huwag kang panghinaan, ikaw ay dakila


#PunchTheLies🤛

No comments:

Post a Comment