Friday, March 30, 2018

DAKILANG INA (Pagpugay Para sa Pinakamamahal na Ina at Ilaw ng Bayan: Ang Pangalawang Pangulo LENI ROBREDO)


DAKILANG INA

By: #PunchTheLies🤛 and Friends

Dakilang ina ng iyong mga supling
Tinaguyod sila kahit walang amang kapiling
Iniwan ka man ng iyong kabiyak
Sa puso mo'y hindi nawala ang galak

Sa mundong ating ginagalawan
Kailangan nating maging palaban
Ilaw ka naming mga mamamayan
Pag-asa ng mga mahihirap nating kababayan

Binigyan ka ng malaking responsibilidad
Tinaguyod mo ito ng buo at tapat
Inalipusta man nila, iyong pagkatao
Hindi ka natinag dahil alam mo ang totoo

Isa kang huwarang Bise Presidente
Iniidolo ng marami, mula magulang hanggang estudyante
Nagtatrabaho ka ng may malasakit at dangal
Ikaw ang liwanag ng bayang minamahal


#PunchTheLies🤛

No comments:

Post a Comment