Sunday, March 11, 2018

WALANG SALA (Pagpugay Para kay Sen. Leila De Lima)


WALANG SALA
By: #PunchTheLies🤛 and Friends


Wala kang ginawa!
Oo, wala kang ginawa
Walang ginawang masama
Para ika’y makulong at magdusa

Tinik sa lalamunan
Sagabal sa daanan
Kaya tinuring kang kalaban
Ng pinuno ng kabulastugan

Sino ka ba para humadlang?
Para sa kanya’y isang babae lang
Kung ika’y nanahimik lang sana
Wala ka sa kulungan, nasa labas ka

Pangalan ay inapak-apakan
Inapi ang iyong karangalan
Pinilit isadlak sa dungis
Ngunit malaya pa rin ang iyong budhi

Pero hindi iyon ang ginawa mo
Gusto mong ipaalam ang totoo
Kahit pader ang babanggain mo
Pinili mong ilabas ang baho

Pinakitang loob ay buo
Kinilala maging ng buong mundo
Salamat sa iyong sakripisyo
Kami ay narito para sa iyo

Huwag mo kaming sukuan
Hanggang huli kami’y samahan
Katotohanan ang iyong sandata
Isa kang tunay na mandirigma


#PunchTheLies🤛

No comments:

Post a Comment