Friday, April 6, 2018

LUSTRE: Ang Beteranong Journo (Parangal Para sa Kaarawan ni PHILIP ‘Ka Ipe’ LUSTRE)


LUSTRE: Ang Beteranong Journo

By: #PunchTheLies🤛 And Friends

Beteranong journo
Nakikipaglaban kay Gongdi
Hindi lang para sa mga promdi
Kundi para sa lahat ng Noypi.

Mamamahayag na may paninindigan
Sumasalungat sa katiwalian
Marunong mag-analisa ng politiko
Serbisyo niya ay tanging totoo.

Mga nangyayari sa bansa
Walang takot niyang tinutuligsa
May katotohanan sa kanyang opinyon
May sentido komun ang kanyang mga suhestyon.

Kanyang angking tapang
Galing at dangal
Ay magpuputol sa sungay
Ng pinunong hangal.

Walang angal na nakikipagharap
Hindi umaatras, hindi kumukurap
Siyang makabayang tunay
Dapat ikaw ay ipagpugay.

Ginoong Lustre, sa iyong kaarawan
Nawa ikaw ay pagpalain
Sa iyong mabubuting hangarin
Ito ang aming hiling.

Malapit na ang katuparan
Ng iyong inaasam
Matatapos din ang laban
Saya sa puso ay muling mararamdaman.


#PunchTheLies🤛

No comments:

Post a Comment