Tuesday, April 17, 2018

ROBBED BOTS (They will Rob Your Mind and Dignity) shared by: Ren Pagulong


ROBBED BOTS
They will rob your mind and dignity

Malaki na ang pinagkaiba ng mga robot ngayon
Kusang gumagalaw sa mga utos ng isang poon
Poong robot din ang utak at kaluluwa
Walang ginawa kundi magmura

Ang robot noon ay nilalaro
Hinihila-hila at pinapagalaw ang mga braso
Pinapalakad sa sahig at binibihisan para maging gwapo
Hinahagis sa ere pero agad mo namang sinasalo

Sa TV lang nakikita noon ang mga robot
Kamangha-mangha sa kanilang pag-ikot
Ulo'y umiilaw at nagsasalita ng "yes sir"
Habang ang katawan ay umaaligid sa pader

Sa social media ngayon, sobrang lakas ng mga robot
Nagsasalita at tumatahol na parang bangungot
Nagmumura at nanglalait ng may malalim na poot
Poot na 'di mo naman alam kung sino ang tunay na kurakot

Mga robot ang babastos na ngayon
May sarili ng kabalastugan at alam lahat ng panahon
Mga panahong 'di mo sukat-akalaing mayroon palang ganun
Sa robot mo lang makikita ang paninira sa mga nagdaang administrasyon

Mas mataas tayo kaysa mga ito
Alam naman nating wala silang ikakatino
Sapagka't ang utos ng kanilang amo
Ang lagi't lagi nilang tinatango


#PunchTheLies🤛

No comments:

Post a Comment