Tuesday, July 10, 2018

OFW AT AKO (Shared by #MyFriends CrisVie and Bing Bing)

OFW At Ako 


Hanggang dito na lang ba?
Samantalang iba'y abala
Sakani-kanilang propesyon
Habang ako'y umaambisyon.

Pangarap niyang kumita
Kaya nagtrabaho sa ibang bansa
Iniwan ang inang bayan
Nagsilbi sa mga dayuhan.

Mga bagay na imposible,
Pinilit kong hinabi
Pinagtagpi-tagpi
Upang magpunyagi.

Nakatago sa ngiti
Lumbay na nakakubli
Nagliliwaliw ang isip
Sa pamilya niyang 'di masilip.

Muling napagtatanto
Bakit dinadanas ko ito?
Halos mabali aking mga buto
Tila kayod kabayo.

Ang bigat na dinadala
Pilit niyang kinakaya
May panglaw man ang gabi
Dinaan na lang sa paghikbi.

Ngunit aking nababatid
Bawat hirap, may ginhawang hatid
Hindi man ito ngayon
Baka sa takdang panahon.

Tiniis niya ang hirap
Ningning niya'y aandap-andap
Patuloy siyang lumalaban
Makaahon lang sa kahirapan.

Aahon sa pagkakalubog
Sa pagsubok ako'y hubog
Walang makakatibag
Sa pag-asensong hangad.

Kaibigan, para sa iyo
Hiling ko ay pagbabago
Gobyernong hindi na manloloko
Upang ika'y umuwi na dito.

#PunchtheLies­čĄŤ

2 comments: