Thursday, July 12, 2018

TUNAY NA TAPANG: Senator Leila De Lima (Shared by: #MyFriends Marissa, CrisVie and BingBing)

Tunay Na Tapang


Ang mapanglaw na ilaw sa iyong pihitan
Ay nagbibigay inspirasyon sa amin upang lumaban
Ito'y naglalarawan ng iyong mabuting puso't isipan
Isa kang tunay na Gabrielang ubod ng tapang

Ikaw ang namuno, nag-imbestiga
Ng karudamal-dumal na patayan
Sa isang siyudad kung saan buhay ng mga tao'y walang halaga
Parang mga hayop lang na nilalapa

Binatikos ang winaglit na karapatang pantao
Na inapakan ng isang probinsyanong Pangulo
Sa halip na ikaw ay pakinggan at galangin
Mga taga-suporta niya ikaw ay diniin

Pinagtagpi-tagpi ang mga ebidensya
Na walang matibay na basehan
Mga gawa-gawa lamang
Ng mga maligno sa pamahalaan

Inaalipusta ang iyong pagkatao,
Pati ng mga walang konsensya sa Kongreso
Para silang tahol ng tahol na mga aso
Upang mabigyan ng biyaya sa gobyerno

Kapit-bisig ay inyong hinarap
Ang mga kasong galing sa mga huwad
Kahit ikaw ay nasa loob ng kulungan
Buong mundo ikaw ay pinarangalan

Ang iyong katalinuhan at katapangan Senadora
Ay banta sa kaduwagan ng isang tuta, tuta ng China
Kahit kelan di namin kayo makakalimutan
Sa inyong pakikipaglaban para sa bayan

Mabuhay po kayo MADAM SENATOR LEILA DE LIMA
Ikaw ay dapat na tularan ng lahat ng kababaihan
Na huwag manahimik pag naaapi
At harapin ang bagong umaga na may taglay na ngiti

#PunchTheLies🤛



#LabanLEILA
#FreeLeilaNow
#JusticeForLeila

No comments:

Post a Comment