Wednesday, September 5, 2018

STATE VISIT AT TRILLANES ARREST ORDER (By: Bobot Fradejas)


TAO PO!
Ni: Bobot Fradejas

STATE VISIT AT TRILLANES ARREST ORDER

HINDI pala “state visit” ang ginawa ni Pangulong Duterte sa Israel. Nasa kategorya lamang ito ng “working visit.” Malaki ang pagkakaiba ng state visit sa working visit. Kahit minsan, hindi binanggit na pumunta ang pangulo sa Israel sa imbitasyon ni Israeli Prime Minister Bejamin Netanyahu.

Sa madaling salita, walang opisyal na imbitasyon na nanggaling kay Netanyahu. Sariling palo ni Duterte ang pumunta sa Israel at ang katabing bansa na Jordan. Nais daw niyang makita ang halos 30,000 Filipino na nagtratrabaho sa Israel at bumili ang Filipinas ng armas mula sa Israel. Nais rin niyang matiyak na nasa mabuting katayuan ang mga OFWs sa Jordan.

Hindi ganap na natutuwa ang bansang Israel sa pagdating ng pangulo. Maraming lumabas sa media na hindi natutuwa ang mga Hudyo sa kaniyang pagbisita. Hindi siya tinitingala doon. 

Ngunit habang pagising pa lamang ang delegasyon sa Israel (nauuna tayo ng anim na oras), umugong ang balita na hinuhuli si Senador Sonny Trillanes sa Senado sapagkat pinawalang bisa ng pangulo ang amnestiya na ibinigay kay Trillanes noong 2010.  Nagbantay ang mga tauhan ng PNP-CIDG ngunit hindi sila agad gumawa ng anumang aksyon.

Nakakapagtakang basta pinawalang bisa ng Malacañang ang amnestiya sa dahilang hindi tumupad sa requirements si Trillanes. Lubhang hindi kapani-paniwala sapagkat sumang-ayon ang Kongreso sa kaniyang amnestiya. 

Para sa isang taong nakakulong ng pito at kalahating taon, titiyakin niya na matugunan ang bawat isang requirement sa kaniyang amnestiya. At para makapagbigay ng maayos na pagsang-ayon o concurrence, ang Senado, titiyakin rin ng mga kongresista na maayos na tinugunan ni Trillanes ang mga hinihinging requirement.
* * * 
ILEGAL NA ORDER. Mayroong nakasaad na separation of powers, o pagkakahiwalay ng poder, ang Ehekutibo at Kongreso. Itinatadhana ito sa ilalim ng Saligang Batas. Kung pipilitin arestuhin si Sonny Trillanes sa Senado, lalabagin ng Ehekutibo ang Saligang Batas. Mismong si Senate Majority Leader Migs Zubiri ang nagsabing hindi pwedeng arestuhin si Trillanes sa premises ng Senado.

Maihahanlintulad ang kaso ni Trillanes sa mga maka-kaliwang grupo ni Satur Ocampo noong mga nakaraang taon. Hindi sila lumabas ng kongreso nang sila ay aarestuhin. Walang nagawa ang mga arresting team kundi igalang ang karapatan nila. Ngunit naiiba ang sitwasyon ngayon.  Maaring ipilit ng mga alagad ng batas base sa utos ng pangulo.

Sinabi ni Trillanes na inihanda niya ang kaniyang sarili sa pag-aresto. Ngunit sinabi rin niyang hindi raw siya magtatago. Ngunit hindi niya sinabing lalaban siya. Kaya may tinatawag na “catch,” o patibong sa kaniyang pahayag. Tangi niyang sinasabi na isisiwalat niya ang katiwalian ni Jose Calida.

Mukhang hindi nauunawaan ng mga taga Malacañang ang amnestiya. Ibinibigay ito bilang pagkalimot sa anumang pagkakasalang pulitikal na nagawa ng isang tao. Iba ito sa pardon, o pagpapatawad. Kapag ibinigay ang amnestiya, hindi na ito pwedeng bawiin. Kaya hindi maganda sa tainga ang sinasabi ng Malacanang na hindi tumugon sa mga requirement si Trillanes

* * *

#PunchTheLies🤛


#StandWithTrillanes
#LabanTrillanes
#DefendDemocracy

Note: Bobot Fradejas is a well known speaker, writer and columnist. He is hosting a regular forum every Saturday at University hotel. To read more on his articles, views and opinions, follow him at:

•POLICE FILES TONITE -“TAO PO” Ni Bobot Fradejas
•Facebook: https://m.facebook.com/bfradejas?tsid=0.054430363667635984&source=result

*This column origininally appeared at “POLICE FILES TONITE”.

No comments:

Post a Comment