Sunday, January 6, 2019

BABAE (by Cris Vie)


“As women, we must stand up for ourselves. As women, we must stand up for each other. As women, we must stand up for justice for all.” 

 First Lady Michelle Obama

Babae naturingang kapatid, anak, at ina
Tunay na nakakamangha
Ilaw kung tawagin ng tahanan
Nagbibigay liwanag sa dilim

Ngunit kung alipustahin
Niruruyakan yaring puri
Hindi mo maatim pakinggan
Minumura ng hindi naman kadakilaan

Minamahal ngunit inaabuso ng Pangulo
Hinahangaan ngunit inaapi ng Pangulo
Kasarinlang turing niya'y kahinaan
Pakiwari ko dahil siya'y nauungusan
Sa galing at katalinuhan

Huwag mong yurakan ng mga laway mo ang kanyang mga labi
Hindi karapat-dapat dumampi sa malinis niyang bibig
Ang amoy ng napakapangit mong pagkatao
Umaalingasaw habang nakabukas ito

Walang pinipiling lugar
Sa pagbastos sa kasarinlan
Sa lahat ng aspeto, babae ang nakikita
Madre, VP, senadora, huwes at lahat ng ayaw niya

Aha! Nagkamali ako na hindi lahat ng mga babae kanyang inaapi
Maganda ang pakikitungo kung naayon sa kagustuhan niya
Pinalabas sa kulungan ang aleng maliit
Kahit ito'y nahatulan na ng pagnanakaw

Bilib na bilib din naman siya
Sa babeng nakahubad at sumasayaw sa entablado
Naghahasik ng kasinungalingan at nang-uuto
Peke laging inilathala niya para mapabango
Pangalan ng kaniyang poon at ibang politiko

Babae saan ka ba nababagay
Ang kagandahan mong taglay
Nasa entablado o sa bahay?
Maging katulong o maging abay?

Diyosa ka ngang turing ng mga kalalakihan
Sa mapang-api na mga lalaking mapang-angkin
Parang tropeyo na nakalagay sa kuwarto
Nagpapa-alala sa lalaki na siya'y nanalo

'Di ba nila alam ang iyong kakayahan?
Kahit hinugot ka lang sa tadyang ni Adan
Matalino, maganda at ika' y mapagmahal
Hawak ang puso at isipan ng kalalakihan

#PunchTheLies🤛

#BabaeAko
#WomensRights

No comments:

Post a Comment