Friday, February 15, 2019

GARY ALEJANO #SundaloNgPilipino

Ako po si GARY ALEJANO, kasalukuyang kinatawan ng Magdalo Party-List sa Kongreso. Bilang isang dating sundalo, ang pagsisilbi sa bayan ay likas na sa aking pagkatao. Ako po ngayon ay tumutugon muli sa tawag ng Inang Bayan para sa isang lider na may puso at tapang, para sa isang lider na ipaglalaban ang bawat Pilipino at magsusulong ng interes ng ating bayan.

Sa aking panunungkulan sa Kongreso, naging sentro ng aking Legislative Agenda ang pagsusulong ng seguridad ng bansa at mga mamamayan – mula sa pagreporma at pagpapalakas ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas hanggang sa pagsulong ng food security. Dagdag pa rito, bitbit ko ang pangunahing adbokasiya ng Magdalo na pagsugpo sa kurapsyon at pang-aabuso sa gobyerno. Nagbunga ang mga ito ng mga panukala at naipasang batas na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino.

Gayunpaman, sa kabila ng ating mga napagtagumpayan sa Kongreso, naniniwala po akong hindi pa tapos ang ating laban. Patuloy ang kahirapan at kagutuman, mga banta sa ating demokrasya, seguridad at integridad ng teritoryo ng bansa, at karapatang-pantao ng bawat isa. Lubos ko pong nauunawaan na kailangan natin ng mas maninindigan para sa katotohanan at katarungan at titindig laban sa mga mapang-abuso.

Sa kabila ng mga ito, naniniwala akong may magagawa ang taumbayan. Samahan niyo po ako sa laban para sa ating magandang kinabukasan. Makakaasa po kayo na sama-sama nating ipaglalaban ang kapakanan ng sambayang Pilipino. Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na po ako sa walang sawa ninyong pagtulong at pagsuporta.

Pag inaagaw ang ating Inang Bayan, pag ginugutom ang taumbayan, pag may inaapi, niloloko, at abusado sa gobyerno, ako ay lalaban ng buong tapang at puso. Mabuhay ang Pilipino! Mabuhay ang Pilipinas!



Para sa bayan,

GARYMagdaloALEJANO
Sundalo ng Pilipino

#GaryAlejano
#GaryAlejanoSaSenado
#SundaloNgPilipino


#PunchTheLies🤛

No comments:

Post a Comment