Wednesday, March 13, 2019

ATTY. ROMULO “ROMY” MACALINTAL #MacaRomy #MacalintalSaSenado


“Kung gutom na kayo sa pagbabago, para sa mga senior citizens, ang kasagutan ay #MacaRomy! Save your last vote for honesty. Tatanda at lilipas din ako, ngunit may batas na iiwan para sa inyo.”- ATTY. ROMY MACALINTAL


ATTY ROMULO B. MACALINTAL - 70 taong gulang; napangasawa si Gng. Milagros G. Macalintal ng ika 12 ng Hunyo, 1982, may tatlo silang anak; dalawang (2) abogado at isang nakatapos ng Information Technology.  Lima (5) ang kanilang mga apo.

Si Atty. at Gng Macalintal ay nanilbihan sa parokya ng “Last Supper of our Lord Parish”, sa Lungsod ng Las Piñas sa mahigit ng tatlumpong tatlong (33) taon na ngayon, mula noong 1984 hanggang sa kasalukuyan.  Si Atty. Macalintal ay miembro ng kanyang parokyang Adoracion Nocturna Filipina at tagaayos ng CBCP para sa pangkaraniwang mga miembro (laity) sa pagserbisyo sa gobyerno noong panahon ng selebrasyon ng Taon ng mga Pangkaraniwang Miembro (Year of the Laity).

Siya ay tagapagtanggol din para sa mga karapatan ng senior citizens at mga taong may kapansanan. Siya ang nagpasimula at nagrekomenda ng ilang mga hakbangin sa Kongreso para sa kapakanan ng senior citizens. Sya ay naghain at nanalo sa mga kaso laban sa mga establisemiento na lumabag sa mga karapatan ng senior citizens kung saan kanyang hiningi sa mga establisemientong ito na magbigay ng sapat na karagdagang halaga sa mga organisasyon ng senior citizens kung saan ang mga karapatan ng mga inosenteng ito ay dating linabag, sa pamamagitan ng pagpuno ng kanilang kakulangan.

Si Atty. Macalintal ay isang abugadong tagapagtanggol sa halalan (election lawyer) mula pa noong 1979 hanggang sa kasalukuyan na naging tagapagtanggol para sa mga matataas na lider sa politika katulad nina Presidente Gloria Arroyo; Presidente Noynoy Aquino; Bise Presidente Noli de Castro; mga Senador katulad nina Ralph Recto, Manny Paquiao, Tito Sotto, Migs Zubiri, at Representanti Vilma Santos-Recto, sa pagkilala ng ilan sa kanila.

Sa kasalukuyan, siya ang pangunahing tagapagtanggol ni Bise Presidente Leni Robredo sa Presidential Electoral Tribunal (PET) tungkol sa protesta ni dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos laban kay Bise Presidente Leni Robredo.

Si Atty Macalintal ay dating estudyante na nagtatrabaho pagkatapos ng kanyang high school kung saan siya ay nag-umpisang magtrabaho bilang isang mensahero at tagapag-ayos ng mga liham sa Manila Post Ofice, kleriko sa Administrasyon ng mga Beterano ng Estados Unidos na tuluyang tumaas ang ranggo sa pagiging Tagapagpayo Para sa Benepisyo ng mga Beterano, isa sa pinakamataas na posisyon na naokupa ng isang Pilipino sa ganoong ahensiya ng Estados Unidos. Siya ay isang dating estudyanteng nagtatrabaho noong kumuha sya ng abogasiya at nakapasa noong 1978 sa Eksaminasyon sa BAR na nakakuha ng gradong 83.1% pagkatapos niya ng pag-aaral sa Gradong Batsilyer ng Batas (Bachelor of Laws Degree) mula sa University of the East (UE).  

Sa ngayon, siya ay tumatakbong kandidato sa pagka-Senador para sa eleksyon sa Mayo, 2019 bilang isang Independienteng Kandidato, at siya ay kasama sa isang koalisyon na binuo ni Bise Presidente Leni Robredo na ngayon ay tinatawag na grupo ng “Otso Diretso”.  Ang kanyang adbokasiya o plataporma na dinadala ay ang pagpalawak ng karagdagang mga diskwento sa mga Senior Citizens at Persons with Disabilities (PWD) o sa mga taong may kapansanan, na sa pagdating nila ng 70 taong gulang, ang kanilang diskwento ay dapat 30%; sa 80 taong gulang ang diskwento ay dapat 40% at 50% sa 90 taong gulang pataas.

Sa magaang bahagi ng kanyang buhay, hinahawakan ni Atty. Macalintal ang katangian bilang kaisa-isang tao sa buong mundo na personal na nakipagkita ng dalawang oras kay dating Kampyon sa Mundo sa Pinakamabigat na Timbang ng Boksing na si Muhammad Ali nang ang huli ay pumunta sa Maynila noong 1975 para sa “Thrilla in Manila” na sagupaan nila ni Joe Frazier.  Ang tanging pases lamang ni Atty. Macalintal para makipagkita kay Ali ay isang lumang scrapbook na nakapaloob ang kasaysayan ng buhay ni Ali at mga dating laban niya sa boksing na nangyari pa noong dekada sisenta (60’s) noong si Ali ay tinatawag pa na Cassius Clay.

“Nakasalalay sa ating mga kamay ang kinabukasan ng ating bayan. Kung alam mong nagkamali ka sa pagboto noong nakaraang halalan, panahon na upang ituwid ito sa darating na halalan. Maging matalino sa pagboto para sa tunay na pagbabago.” — @PunchTheLies

Para sa bayan, para sa mga mahal nating Senior Citizens at PWD o “Pinoys with Disabilities”, ating iboto at suportahan, ang ating MAKA-LOLO, MAKA-LOLA, MACAROMY, #MacalintalSaSenado sa darating na halalan.



#PunchTheLies🤛

4 comments:

  1. Good morning po ma’am Punch The Lies. Tuwang tuwa po sila lolo at lola ko dahil napagbigyan po ang request nila. Maraming salamat po. Ang galing daw po ni Atty Macalintal at lalo po silang humanga. Aasahan nyo po solid na boto namin sa kanya. Thank you po ulit ma’am.🥰

    WALANG TUBIG po sa amin ma’am. Ang hirap po. 😥

    ReplyDelete
  2. Gandang umaga po madam Punch The Lies. Binasa ko na dn po i2 kna lolo at lola tuwang tuwa sila. Asahan nyo dn po kmi.

    Hello Ella, taga saan ka? Kami din walang tubig, di ako pumasok, buset na gobyerno to naloko ako akala ko gaganda ang buhay hayup wlang kwenta mga pangako.

    Sorry po Madam Punch The Lies. Nakakagalit po kasi. Maraming salamat po sa blog niyo,mang sarap po magbasa dito. Ingat po tayong lahat. Ella, ready ka baka mamaya sabay na tubig kuryente. Jusko po wag naman sana.

    ReplyDelete
  3. Hello There. I found your blog using msn. This is a very well written article.
    I'll be sure to bookmark it and return to read more of your useful information.
    Thanks for the post. I'll definitely comeback.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi there, thank you so much, I really appreciate it. God bless.

      Delete