Thursday, March 21, 2019

TAO PO! NAGWALA (Ni Bobot Fradejas)


“Sinasabi ko sa kanilang lahat: Walang isang kandidato d'yan na hindi nagsisinungaling kaya hindi dapat nagiging issue ang honesty ngayon. Lahat sila sinungaling, lahat ng tao sa mundong ito sinungaling.” — SARA DUTERTE 


MUKHANG sumabog ang kampanya ng Hugpong ng Pagbabago, ang koalisyon na binubuo para sa mga kandidato ng administrasyon sa Senado. Kasalukuyang papainit ang kampanya sa bansa, ngunit biglang nagwala at tuluyang nawala ang kinikilalang lider ng Hugpong – si Sara Duterte-Carpio, ang mayora ng Davao City.

Mas lalong naging kumplikado ang sitwasyon nang palitan ni Sebastian “Baste” Duterte si Sara bilang campaign manager, o kabise, ng kampanya. Hindi kilala sa anumang positibong katangian sa pulitika si Baste. Mas kilala siya bilang isang batugan, babaero, at walang ambisyon. Mismong ang kanyang ama, si Pangulong Rodrigo Duterte, ang nagpapatunay sa kanyang hindi magandang reputasyon.

Dumistansiya ang ilang kandidato ng Hugpong sa kampanya. Hindi nila nagugustuhan ang mga pinagsasabi ni Sara sa publiko lalo na ang usapin ng katapatan, o katimtimang-loob (honesty), sa paglilingkod sa bayan. Batikos ang inabot ni Sara sapagkat imposible talaga na hindi mahalaga, o sangkap, ang katapatan sa paglilingkod sa sambayanan.

Hindi natutuwa ang mga ilang kandidato nang isinubo sila ni Sara sa mga itinatakdang debate ng kalaban – ang Otso Diretso. Matatandaang sinabi ni Sara na nakahandang sumabak sa debate ang mga kandidato ng Hugpong bagaman hindi naman talaga sila handa sa totoo lamang. Ayaw nga nilang makipagdebate sapagkat alam nilang lalapain sila ng buhay ng mga kandidato ng Otso Diretso sa harap ng publiko. 

Hindi rin nagugustuhan ang ginagawang pagkuha ni Sara ng atensiyon ng media. Imbes na ang mga kandidato ang nabibigyan ng public projection, tanging si Sara ang naging laman ng media. Matatandaang naghahamon pa ng debate si Sara sa Otso Diretso bagaman pinagtatawanan lamang siya sapagkat hindi naman siya ang kandidato.

Campaign manager si Sara at bilang campaign manager, marapat lamang na low profile si Sara. Trabaho niyang pabanguhin sa publiko ang mga kandidato, hindi ang kayang sarili. Trabaho niyang maisaayos ang kampanya nang makilala ng ganap ng madla ang mga kandidato at ihalal sila at manalo sa halalan ng Mayo 13.

Ngunit mukhang hindi naiintindihan ni Sara ang pagiging campaign manager. Nag-umpisang dumistansiya ang ilang kandidato sa kampanya pagsapit ng buwan ng Marso. Hindi nabubuo ang Hugpong slate sa mga nagdaang kampanya. Noong nangampanya sila sa Pasay City, dalawa lamang ang dumating sa 13 kandidato.

May mga kandidato rin na hindi nagugustuhan ang manipis na bilang ng mga tao. Sa madaling salita, hindi nakakapagmobilisa na mga tao ang Hugpong. Hindi sila nakakahakot ng maraming tao sa mga campaign sortie. 

Mukhang hindi ginugugulan ni Sara ang kampanya sapagkat hinahanapan ni Sara ng kontribusyon ang mga opisyales na lokal. Sa isang campaign rally sa Bacoor, tahasang sinabi ni Sara na kaya lamang magbigay ng P80 kada tao na sasama. Nais niyang magbigay ang konsehal na dagdag na halaga upang mabuo ang P300.

Hindi pumayag ang konsehal sa mungkahi ni Sara. Mas nais ng konsehal na gugulin ang kanyang salapi sa kanyang sariling kampanya at hindi sa mga kandidato sa Senado na wala naman siyang pakinabang pagdating ng araw. Wala pang 300 ang dumating. Mukhang hindi naging maganda ang relasyon ni Sara sa mga opisyales na lokal.

Hindi rin nagugustuhan ng mga kandidato ang kawalang kakayahan ni Sara na maisaayos ang mga iringan sa loob ng Hugpong. May mga ilang kandidato na hindi gustong tumayo sa entablo na kasama sina Juan Ponce Enrile, Bong Revilla, at Jinggoy Estrada sapagkat sa tingin nila, sila rin ang nababahiran ng pagkakasala ng pandarambong sa sandaling makasama nila ang mga ito sa entablado.

Hindi rin nagugustuhan ng ilang kandidato ang kawalan ng advertisement ng Hugpong sa media. Kanya kanya ang advertisement na lumalabas at tanging ang sarili lamang ang ikinakampanya. Wala para sa Hugpong. 

Wala rin magawa si Sara sa isinasagawang negative campaign ng Otso Diretso. Walang maisagot sa bawat bintang na ipinupukol ng mga kandidato ng oposisyon. Walang matinong tagapagsalita ang Hugpong upang sagutin ang bawat akusasyon na inihaharap sa publiko. Hindi rin tuwirang makasagot ang mga kandidato sapagkat takot silang maapektuhan ang kanilang pangunguna sa mga survey.


Hindi rin nagugustuhan ng iba ang tuwirang pagpapel ni Bong Go at ang pagpapalabas ng fake news upang palutangin ang kanyang sarili lamang. Kaya dumistansiya sila kay Bong Go sa kampanya. Ayaw ng ilang kandidato na makasama sa entablado ang nilikhang walang alam kundi tanging ang kanyang sarili.

Biglang nilayasan ni Sara ang kampanya. “Family issues” ang kanyang dahilan sa paglisan. Marami tuloy ang naging espekulasyon sa kanyang ginawa. May problema ba silang mag-asawa? O silang mag-ama? O silang mga magkakapatid? May sulirananin ba siya sa kanyang ina?

Matagal na naming sinasabi na iba ang kampanyang nasyonal kung ihahambing sa lokal. Sobrang napakalaki ng pagkakaiba. Hindi namin alam kung kakakayanin si Sara na balikatin ang napakalaking kampanya na magkakahalaga ng limpak-limpak na salapi na maaaring lumampas sa bilyon-bilyong piso. Walang karanasan si Sara para sa pambansang kampanya.

Napansin namin na hindi dumudukot ang kanyang ama sa kampanya. Sa totoo lang, mukhang tanging si Bong Go at Bato dela Rosa lamang ang tutulungan ng pangulo. Iyong ibang kandidato, kanya-kanyang kayod ang nangyayari sa ngayon. Bahala sila sa kanilang sarili.

Samantala, tahimik ang Otso Diretso sa kanilang kampanya. Buo ang kanilang kampanya sa madla. Mukhang ilalampaso nila ang Hugpong sa Mayo 13.

“Ang katapatan, integridad at pagkamarangal ay mahalagang katangian na dapat mayroon sa bawat opisyal sa ating pamahalaan, dahil ito ang pinakamabilis at pinakamabisang paraan upang maiwasan, mapigilan at mahadlangan ang mga pagkakamali patungo sa pagkalugmok at pagkabagsak ng ating bayan. Maging mapanuri sa pagpili ng ating mga ihalal sa darating na halalan.” — @PunchTheLies


#PunchTheLies๐Ÿค›

Note: Bobot Fradejas is a veteran media man, speaker, writer and columnist. He is hosting a regular forum “SATURDAY NEWS FORUM” every Saturday at University Hotel. To read more on his articles, views and opinions, follow him at: POLICE FILES TONITE - TAO PO Ni Bobot Fradejas

6 comments:

  1. I'm happy to know this update. I really don't care what Sara did. She is lack of education and breeding as well. We don't need butangera woman to lead the country especially in local position so ambitious and hungry for it.

    ReplyDelete
  2. Could it be an ominous indication that the Duterte camp is just waiting for the proper time. That is if the Otso Diretso line-up plus well-meaning opposition candidates make a landslide election victory. Meaning chaos, widespread violence and confusion can marr the counting of votes which could in turn signal the declaration of failure of election, hence the justification of the declaration of Martial Law by Duterte. Hence, it would be easy to arrest opposition leaders. Parang moro-moro lang seguro ang ginagawa ng Hugpong para lang di garapalan na walang eleksiyon ang mangyayari. "The end justifies the means."

    ReplyDelete
  3. WOW! What a piece. Bombshell! Thank you for this Punch The Lies. I love reading your blogs. Your quote at the end is a MAGIC TOUCH. Tagos sa puso. YOU’RE AWESOME ๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿ‘. Thank you.

    ReplyDelete
  4. Ang ganda, ang galing. Good sign ito, kaya gigil si PRRD sa opposition. May isa lang akong tanong Ms Punch The Lies at sa kagalang galang at mahusay na kolumnista na si Bobot Fradejas. Totoo ba na may Otso Diretso? Kapqg otso kasi ay otso hindi pito. Suportado ako sa opposition pero hindi ako sigurado sa walo dahil wala akong nakikita ng walo kundi pito lang. Sa ngayon pito diretso ako kasama ko buong pamilya ko. Maraming salamat Punch The Lies. Agree ako kay @MD35, may MAGIC TOUCH ka. Mabuhay ka. Ipagpatuloy mo lang hija.

    ReplyDelete
  5. Very soon this web site will be famous among all blogging and site-building visitors, due to
    it's pleasant articles

    ReplyDelete
  6. Punyeta ka Sara. Ikaw pa yata magpapatalo sa mga kandidato namin. Hindi pala dapat sumanib sa hugpong mo. Shut up! Malas ka!

    ReplyDelete