Wednesday, March 6, 2019

SENATOR BAM AQUINO #BAMSaSenado



Kilala bilang social entrepeneur at ngayo’y isang masipag na senador, inilaan ni Sen. Bam Aquino ang kanyang panahon sa pagtulong sa pamilyang Pilipino, lalo na sa mahihirap.

Kasunod ng kanyang pagtatapos sa Ateneo de Manila University na may karangalan bilang summa cum laude honors at bilang pangulo ng student council, si Sen. Bam ang naging pinakabatang pinuno ng isang ahensiya ng pamahalaan sa edad na 25 anyos nang italaga siya bilang Chairperson ng National Youth Commission.
Kasama siyang nagtatag ng social enterprise na Hapinoy Program, na nakakuha ng maraming karangalan. Kinilala rin siya bilang Young Global Leader ng World Economic Forum noong 2006, isa sa Ten Outstanding Young Men of the Philippines noong 2010, isa sa Asian Social Entrepreneurs of the Year noong 2011, at napabilang sa Ten Outstanding Young Persons of the World noong 2012.
Ngayon, bilang isa sa pinakabatang senador, nakatuon siya sa paglalagay sa pamilyang Pilipino sa sentro ng mga reporma at programa ng gobyerno.


Ang kanyang unang batas bilang baguhang senador ay nagbigay daan sa higit 1,000 Negosyo Centers sa iba’t ibang bahagi ng bansa na nagbibigay suporta sa mga Pilipino na nais magkaroon ng kabuhayan at madagdagan ang kita sa pamamagitan ng pagsisimula at pagpapalago ng negosyo.

Isinulong din ni Sen. Bam bilang principal sponsor ang pagsasabatas ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act para sa mga Pilipinong nangangarap makatapos ng kolehiyo at makapagsimula ng magandang kinabukasan para sa kanilang sarili at kanilang pamilya, i.

Dahil dito, libre na ang tuition at miscellaneous fees sa State and Local Universities and Colleges (SUCs & LUCs), pati na rin sa Technical Vocational Institutions (TVIs) ng TESDA. Pinalalakas din nito ang scholarship at student loan programs ng gobyerno.

Kahit mayroon na siyang tatlumpu’t limang (35) batas sa una niyang termino, tuluy-tuloy pa rin ang trabaho ni Sen. Bam sa Senado para mapaganda ang buhay ng mas marami pang Pilipino.

Kamakailan, nagsimulang manawagan si Senator Bam sa pamahalaan na unahin ang paghahanap ng solusyon sa krisis sa bigas at presyo, upang protektahan ang mahihirap na nalulunod na sa tindi ng pagtaas ng presyo ng bilihin. Isinumite niya ang Bawas Presyo sa Petrolyo Bill para ma-roll-back at masuspindi ang buwis sa produktong petrolyo.

Dahil una sa kanya ang pangangailangan ng pamilyang Pilipino, ipagpapatuloy ni Sen. Bam Aquino ang pagtutok at pagsusulong ng mga repormang makatutulong para maalis sa kahirapan at magkaroon ng magandang buhay ang ating mga kababayan.


“Nakasalalay sa ating mga kamay ang kinabukasan ng ating bayan. Kung alam mong nagkamali ka sa pagboto noong nakaraang halalan, panahon na upang ituwid ito sa darating na halalan. Maging matalino sa pagboto para sa tunay na pagbabago.” — @PunchTheLies

Para sa bayan, para sa kinabukasan ng ating mga kabataan at ng bawat pamilya, ating iboto at suportahan,  #BAMSaSenado sa darating na halalan.


#PunchTheLies🤛

8 comments:

  1. DDS po ako kaya ayoko po sana magcomment pero di ko mapigilan. Isa po ako sa readers niyo ma’am @PunchTheLies o kaya sabihin na lang po natn na fan niyo po ako. Sa mga posts mo kasi kahit sa Twitter parang kinakausap mo po ako palagi na walang panghuhusga walang panlalait kagaya ng iba kundi nagpapaliwanag, sinasabi kung ano ang totoo at tama. Sa post mong ito maam maraming salamat dahil pinakilala mo sa amin kung sino si Senator Bam Aquino. Ngayon ko lang po nakilala. Sumasaludo po ako ngayon sa kanya dahil sa kanyang mga nagawa lalo na sa mga mahihirap na pamailya, mga kabataang nangangarap makapagtapos sa pag-aaral at mga magulang na may kagustuhang mapagtapos mga sa pag-aaral pero walang magawa dahil kinukulang at kinakapos sa budget. Good job po maam PUNCH THE LIES. Sa Mayo, aasahan niyo po kasama po si Senator Bam Aquino sa iboboto ng pamilya ko. Salamat po.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Count me in kabayan. Iboboto ko din si Bam. Shared ko na din link nito sa mg frenz at kamag-anak ko para basahin nila to. Hanga din ako ky Ms Punch. Wla kc sya sa kulay kulay, nasa kung ano ang tama sya. Itong post na ito ang example Bam Aquino pero may post din sya s Twitter criticizing Kris Aquino kasi alam nya na mali si madramang Kris pero eto pinapakilala si Bam which is parehong Aquino. Patunay na sa tama lang si Ms Punch na kung mali ay mali di ba? Inaway pa ng mga ibang dilawan. Isa pa blog nya hindi bayaran, kita mo wlang donation donation walang ads ano? Ung isang dilawan ba yun si pabayaran na ubod pangit pati ugali namamangka sa 2. Mga dilawan naman paniwalang paniwala kya nakakatawa d ba😂. Ms Punch count me in. Thanks, keep it up 👍

      Delete
    2. #PunchTheLies🤛March 16, 2019 at 3:50 PM

      Hi, maraming salamat❤️

      Delete
  2. DDS DDS DDS DIN PO AKO, AMINADONG NA-FAKE NEWS PO AKO. NGAYONG NABASA KO PO ITO, AKING ISISGAW BAM BAM BAM AQUINO, BAM BAM BAM AQUINO, INIIDOLO KO NA PO KAYO. BINIGYAN MO NG PAG-ASA ANG AMING PAMILYA. SA WAKAS, PANGARAP KONG MAKAPAGTAPOS SA PAG-AARAL MATUTUPAD NA. AKO’Y NANIWALA SA FAKE NEWS, NAPAKASAMA SI SENATOR BAM AQUINO SA KANILANG MGA POSTS, LAHAT PALA PANIRA LAMANG.

    MARAMING SALAMAT PO PUNCH THE LIES AT AKO PO’Y NALIWANAGAN.

    SENATOR BAM AQUINO, SALAMAT PO SA KUWENTO NG BUHAY MO
    ISA KANG TUNAY NA INSPIRASYON SA AMIN MGA KABATAAN. SANA PO MAGTAGAL PA KAYO SA POSISYON. IKAKAMPANYA PO NAMIN KAYO. #BamSaSenado

    ReplyDelete
    Replies
    1. #PunchTheLies🤛March 16, 2019 at 3:53 PM

      Hi John, maraming salamat. ❤️

      Delete
  3. Lol, thought I’m the only dds reading here. Usapan namin ito kahapon with my friends “skateboarders”. Binasa po namin ito. Lahat kami humanga kay Senator Bam Aquino. Sabi namin, ganito dapat ang leader. Inspiring. Definitely we’ll vote #BamSaSenado

    Thank you po Punch The Lies.

    ReplyDelete
    Replies
    1. #PunchTheLies🤛March 16, 2019 at 3:58 PM

      Hi Skate, thanks so much. Regards to your friends “skateboarders”. Thank you.❤️

      Delete