Wednesday, April 3, 2019

"Ang Istorya namin ni Captain Alejano" – Minnie Alejano (Asawa• Ina• Pilipino)


“Maraming beses gusto kong ipagdamot siya sa bayan para sa aming pamilya. But his fight is greater than himself. It is a fight for the Filipino people.”



Nakilala ko si Gary noong sundalo pa lang siya sa Philippine Marines. He was a young lieutenant then with a promising career in military service. He was a model officer as his upperclassmen would say. Maswerte daw ako dahil nakikita nilang future Commandant ng Marine Corps si Gary.

Gary's PMA Days


Maswerte din daw ang aming pamilya dahil kung magawaran ng Medal of Valor si Gary ay libre ang pagpapaaral sa aming mga anak at automatic na makakapasok sa PMA kung naisin man nila.




But the promise of a comfortable life for him and for our family vanished when he joined the Oakwood and Manila Peninsula protests. He was detained for seven long years. Iyon ang naging kapalit ng paglaban niya sa katiwalian at pagtayo sa tama.




Nag-uumpisa pa lang kami ng pamilya at ipinagbubuntis ko pa noon ang kambal naming mga anak. Parang nawalan na kaagad ako ng asawa noon. Iyon ang naging kapalit ng paglaban sa kurapsyon at pagtayo sa kanyang prinsipyo. Isinakripisyo ni Gary ang kanyang mga personal na interes para unahin ang pagmamahal sa bayan. A true soldier, indeed.




At Camp Crame's Detention Center

While he was in detention, I have to be both the father and mother to the kids. Pero walang akong pinagsisisihan sa mga panahon na iyon. Habang nasa detention si Gary, doon namin mas nakilala ang Panginoon. He became the anchor of our relationship and our family.
His years in detention taught me to be patient. Ang dasal ko noon ay hindi para makalaya agad si Gary kundi ang makalaya siya sa tamang panahon, kapag handa na siya at ang aming pamilya. The day of reunion that we were longing for many years eventually came and Gary was released. He asked me to resign from my job for us to homeschool our kids. It was to make up for the lost time together.




Kampanya ng Magdalo

Akala ko makakapag-umpisa na ulit kami sa aming pamilya pero nagpaalam ulit sa akin si Gary na sasabak naman sa pulitika para maging representative ng Magdalo Party-List. Parang gusto ko siyang ipagdamot noon dahil sobra na ang pitong taon at dahil pangit din ang tingin ko sa pulitika. Pero nakita ko kung gaano niya gustong magsilbi sa bayan. Public service is his lifelong commitment. Ang hiling ko lang sa kanya ay huwag na huwag siyang mag-uuwi ng nakaw na pera.




Fast forward, we now have 5 kids. Pero hindi pa rin natatapos ang mga pagsubok. Deciding to be in the opposition under a popular President was a difficult choice, but again it was standing up for what is right. He filed an impeachment case against the President, went to ICC to lodge a complaint on the EJKs, and is continuously a vocal critic of anti-poor and anti-Filipino policies.





Maraming beses gusto kong ipagdamot siya sa bayan para sa aming pamilya. But his fight is greater than himself. It is a fight for the Filipino people.




Ang pagtakbo niya ngayon ay suportado ko. The democracy in our country is slowly eroding and the Senate is the only remaining independent body now. Huwag nating hayaang pati ito ay maging kasangkapan ng iilang may makasariling interes.




I want a normal life for my family, but I desire for a better future for the country and its people. As my husband would always say, bayan muna bago ang sarili.
-Minnie Alejano (Isang asawa, ina at higit sa lahat isang Pilipino)

“Pinagtagpo, pinagtagpi’t pinagsama. Pinatibay ng pagmamahal, dumaan sa maraming pagsubok at napagtagumpayan. Ang pagmamahal sa bayan, pagmamahal at buong suporta ng pamilya ay ang pinakamalaki at pinakamahalagang pundasyon sa isang opisyal ng pamahalaan. Magandang imahe, simpleng pamumuhay, maka-diyos, makatao, walang bahid  ng anumang katiwalian. Ang pamilya ni Gary Alejano ang isa sa mga ehemplo na nagpapatunay ito. Nasubok at napatunayan na ang paninindigan ni Gary Alejano para sa bayan. Matapang, walang takot tumindig at ipaglaban kung ano ang tama. Para sa bayan, para sa ating karapatan, ating iboto at suportahan ang ating magiting na sundalo, #GaryAlejanoSaSenado #SundaloNgPilipino #MagdaloPartylist.” — @PunchTheLies🤛

1 comment:

  1. I’m so touched. Thanks for sharing this wonderful and inspiring story. I am crying while reading. Bilang isang ina, ramdam ko ang mga pinagdaanan ni Mrs Alejano. Hindi po biro ang kanyang mga sakripisyo. Hindi biro ang kanilang pinagdaanan. Tama po kayo @PunchTheLies, kailanman wala akong narinig na masamang balita sa pamilyang ito. Walang ibang ginawa kundi ang ipaglaban ang bayan, karapatan ng taumbayan. Bilang isang ina, asawa, Pilipino at isang guro, aasahan niyo po, ikukuwento ko po ang istoryang ito. Mabuhay po kayo Mr and Mrs Gary Alejano. Maraming salamat po sa inyong puso at dedikasyon para sa bayan. Maraming salamat Punch The Lies.

    ReplyDelete