Tuesday, April 23, 2019

BUTIHING INA (Pagpugay Para Sa Kaarawan Ni Bise Presidente Leni Robredo)


Maligayang kaarawan, butihing ina ng bayan
Bise Presidente Leni Robredo na kagalang-galang
Pagmamahal sa mga anak hindi matatawaran
Pagmamahal sa bayan binubuhos na walang pag-aalinlangan

Nawa'y bigyan kayo ng masiglang pamumuhay
Malayo sa kapahamakan at ang Diyos laging gabay
Maipagpatuloy ang magandang serbisyo
Para sa ikabubuti ng bawat Pilipino

Ang iyong ningning ay inspirasyon sa nakakarami
Mga salita mo’y puno ng pag-asa, hatid ay liwanag at ngiti sa aming mga labi
Busilak ang puso at buong-buo ang pagkatao
Kaya walang dahilan na hindi ka mamahalin ng publiko


#PunchTheLies🤛


HAPPY BIRTHDAY OUR BELOVED VICE PRESIDENT LENI ROBREDO‼️
GOD BLESS AND MORE POWER‼️
MABUHAY PO KAYO‼️

#LabanLeni
#SalamatLeni

No comments:

Post a Comment