Sunday, May 12, 2019

“The Matrix for Good Governance... The Matrix for Real Change.” #OtsoDiretso


MATRIX. Naging sikat ang salitang ito sa Pilipinas dahil kay Pangulong Duterte o administrasyong Duterte. Simula noong 2016, ilang matrix na ang inilabas ng Pangulo: drug trade, narco list at oust Duterte matrix. Hindi kapani-paniwala, bagkus naging katatawanan ito: may nakalagay na matagal ng patay, may mga na-dismiss, may mga napatay, may hindi nahuhuli hanggang ngayon at ang pinaka-katawa-tawa ay ang huling matrix, “Oust Duterte Matrix” dahil kinuha lang ito sa social media sa facebook at twitter. Naging katanungan tuloy kung kanino ba talaga galing o sino kaya ang gimagawa at nagbubulong ng malung impormasyon sa Pangulo dahil parang hindi naman kapani-paniwala na ganun na lang kasipag ang Pangulo upang magkalkal ng social media accounts ng sinu-sino.

Ngayong halalan, malaki ang ating responsibilidad. Ang responsibilidad na ito ay hindi para sa kahit sinong politiko, hindi sa Pangulo o kahit sinong kandidato kundi para sa ating bayan dahil sa ating pagboto, nakasalalay ang kapakanan at kinabukasan ng ating bansa at ng taumbayan.

Mahalagang maging matino sa pagboto. Piliin ang matapat, may kakayahan at talino, maka-Diyos, maka-tao at maka-Pilipino. Ito ang ginawa nating “matrix”:

“THE MATRIX FOR GOOD GOVERNANCE... THE MATRIX FOR REAL CHANGE.” Sila ang #OtsoDiretso, the “Team Honest”. Sino ba sila? Kilalanin natin:


1. #5 GARY ALEJANO












2. #9 BAM AQUINO













3. #25 CHEL DIOKNO














4. #36 SAMIRA GUTOC








5. #37 PILO HILBAY







6. #41 ROMY MACALINTAL









7. #57 MAR ROXAS









8. #59 ERIN TAÑADA








Sa lunes na po ang halalan, Mayo 13, 2019. Nakasalalay sa ating mga kamay ang kinabukasan ng ating bayan. Alalahanin natin na hindi na natin mababawi ang ating boto kaya mahalagang maging responsable sa pagpili. Ang boto mo ay hindi para sa kahit sino mang politiko o kandidato. ISIPIN MO ANG BAYAN MO!


Para sa mabuting pamamahala, para sa tunay na pagbabago, #OtsoDiretso po tayo!



#PunchTheLies🤛

No comments:

Post a Comment