Tuesday, July 28, 2020

BONG GO KAY FRANKLIN DRILON: I AM NOT YOUR STUDENT AND YOU ARE NOT MY PROCTOR. SENADOR BA TALAGA ‘TO? ANG YABANG!


“I am not your student and you are not my proctor.”

Ito ang sagot ni Senador Christopher “Bong” Go sa pag-kuwestiyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kung bakit ayaw tumanggap at sumagot sa mga katanungan matapos ang kanyang talumpati.

Sa huling araw ng session sa senado noong Hunyo 4, 2020, naghayag si Go ng kanyang talumpati na galit kuno sa DOH, DOB at DOLE kung bakit wala pang natatanggap na compensation ang mga health workers na namatay at infected sa coronavirus disease.

Ngunit tumangging matanong si Go kaugnay sa kanyang talumpati.

Pagkatapos ng talumpati ni Go, sinabi ni Drilon:

“As we said, we commend the gentleman from Davao for taking the privilege hour to call the attention of the bureaucracy in its neglect of the frontliners. But the good gentleman has said that he will not take questions."

Tinanong ni Drilon ang liderato kung bakit ayaw sagutin ni Go ang mga katanungan. Aniya, hindi ito normal na nakagawiian sa senado na inayunan naman ni Senate President Tito Sotto.

Ayon kay Sotto, hindi ito normal. Aniya, si  dating Sen. Mirriam Defensor-Santiago pa lamang ang hindi tumanggap ng katanungan ng isang beses, na ayon kay Sen. Drilon, ang dating respetadong senadora ay matagal na sa serbisyo at sa panahong iyon ay hindi na maganda ang kalusugan ng dating senadora, kumpara kay Bong Go na baguhan lamang.

NEW NORMAL

Habang kinikilala ni Drilon na ang mga senador ay may karapatan sa ganoong pribilehiyo, sinabi niya na ang gawain ni Go ay hindi ito ang normal na nakagawian sa Senado.

“It was never the practice not to entertain questions or interpellations anytime to take the floor. But usually in practice, when you rise, you have to answer the questions. You have to allow yourself to be interpellated,” ani Drilon.

"I just want to know, however, if this is the new normal that we have, Mr President, not allowing interpellations on the floor. In an effort to thresh out or strengthen the positions that we would take on national issues, I'm placing that on the floor.”

Hindi ito ang unang beses tinanggihan ni Bong Go ang mga tanong. Paulit-ulit na niyang tinanggihan ang mga tanong matapos ang kanyang mga talumpati. Bakit kaya? Hindi ba alam ang isagot? Ang talumpati ba ay hind galing sa kanya kundi binasa lamang na ginawa ng kanyang sekretarya? May kinatatakutan ba?

MAYABANG AT BASTOS

Isang bagito o baguhan sa Senado si Bong Go. Isang  hindi kilalang tao na bigla na lang lumutang ang pangalan at mukha dahil lang naman kay Pangulong Duterte, na kung wala ang Pangulo, hindi naman siya makilala. Isang photo bomber ika nga tuwing dikit sa Pangulo.

Tumanggi na ngang sumagot sa mga katanungan, hindi pa marunong rumespeto sa mga kasamahan sa Senado na kung tutuusin, sila’y mga beterano na kumpara sa kaniya na kabago-bago.

“I am not your student and you are not my proctor.” Ganito ba dapat sumagot ang isang senador? Senador ba talaga ito? Isa itong kabastusan. Mayabang.

Mas karespe-respeto pa sana kung sinabing, pasensya na po, hindi ko masagot ang inyong mga tanong dahil hindi ko po talaga alam ang aking isasagot, binasa ko lamang po, nag-speech lamang po ako.

Sana bago tumakbo si Bong Go, sinigurado niya muna na kaya niyang humarap sa debate, at kaya niyang sumagot sa mga katanungan. Sana alam niya na ang pagsagot niya ay mahalaga hindi lamang sa senado kundi maging sa taong bayan na naghahanap ng kasagutan sa mga tanong. Sana din matuto siyang rumespeto at sumagot nang maayos.

PS: Ayon sa isang twitter friend, “I googled PROCTOR:  a proctor keeps an eye on students who are taking a test to make sure they don't cheat.” - ‪@arthos3 ‬

Ibig sabihin ba, aminadong CHEATER si Bong Go? O baka naman PROFESSOR ang ibig niyang sabihin?

Nakakahiya! Hindi ito karapat dapat naging senador o umupo sa kahit anong posisyon sa gobyerno!

#PunchTheLies🤛

No comments:

Post a Comment