Sunday, September 27, 2020

ANG MISTERYONG PAGKAMATAY NI PSG MAJOR HARIM GONZAGA SA LOOB NG MALACAÑANG


 Setyembre 26, 2017, isa sa mga opisyal ng Presidential Security Group (PSG) ang natagpuang patay sa loob ng kanilang quarters sa Malacañang Park.


Siya si Major Harim Gonzaga.


May tama ng bala sa dibdib si Major Harim Gonzaga, 37, nang makita ng kanyang asawa na wala nang buhay sa loob ng kanilang pinagsasamahang kwarto bandang 8:50 ng umaga. 


Ang asawa ng biktima ay parte rin ng Presidential Security Group (PSG)


Ayon sa pahayag ng PSG, sinabi nitong pag-aari ni Gonzaga ang baril na ginamit, at wala umanong senyales ng panlalaban sa loob ng quarters, at nakikiramay din umano sila at nagpaalalang iwasan ang haka-haka ukol sa pagkamatay ng kanilang opisyal. Anila’y patuloy naman ang imbestigasyon sa pangyayari.


Trabaho ng PSG ang magbigay seguridad sa Pangulo at sa kanyang pamilya.


Ayon kay PSG Commander Brigadier General Lope Dagoy, maaaring nasa Bahay Pagbabago ang Pangulong Rodrigo Duterte nang maganap ang insidente sa 'di nalalayong PSG compound. 


Pero malayo aniya ang Pangulo sa pinanggalingan ng putok. 


“Nang dumating ang asawa ni Gonzaga sa kanilang quarters ang nakita niyang nakahandusay ito, ” ani pa ni Dagoy.


“Sabi naman niya malambot pa raw ang asawa niya. Nag-attempt pa raw siya [i-revive],” dagdag pa ng heneral.


Ayon pa kay kay Dagoy na ang Philippine National Police-Scene of the Crime Operatives ay walang natagpuang foul play at walang ibang taong sangkot sa insidente.


Wala rin umanong tanda ng “struggle” sa loob ng quarters. Bagama’t may ibang nakarinig ng putok ngunit binalewala ito dahil sa malapit ito sa firing range.


Ayon pa sa hepe, patuloy pa rin umano ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang tunay dahilan ng pagkamatay ng PSG office.


Naulila ng opisyal ang kanyang asawang si Shiela, na miyembro rin ng PSG at dalawang anak. Makatatanggap naman sila ng financial assistance mula sa PSG.


Sino kaya ang pumatay kay Major Harim Gonzaga? Bakit kaya siya pinatay at bakit sa loob pa mismo ng Malacañang siya pinatay? Ano nga ba ang katotohanan sa likod ng krimen na ito? Mga katanungang ito ay wala pang kasagutan hanggang ngayon.


Mula noon, wala nang narinig na balita tungkol sa kasong ito at hanggang ngayon, ito ay nananatiling misteryo. 



#PunchTheLies🤛

No comments:

Post a Comment