Saturday, October 3, 2020

TRAFFIC ENFORCER NA ISA RING NAVY RESERVIST, PINUGUTAN. ULO, ISINILID SA ICE BOX

 


KARUMAL-DUMAL! Pugot na ulo ng isang traffic enforcer na isa ring Navy reservist ang natagpuang nakasilid sa isang ice box sa Sta. Cruz, Maynila Huwebes ng gabi.


Ayon sa Manila Police District Station 11, nakita ng mga tricycle driver na sina Jerwin Mirabueno at Jun San Diego ang ice box sa gitna ng kalye sa bandang Florentino at Torres Street, dakong alas 11:50 ng gabi.


Nang buksan ng dalawang tricycle driver ang ice box, doon nila nakita ang ulong pugot.


Sa follow-up investigation ng Homicide Section ng MPD, kinilala ang biktima na si Oliver Ignacio, residente ng Barangay San Roque, Navotas City, isang traffic enforcer at Navy reservist.


Sa tulong ng pinsan ng biktima na si Mary Anne Esguerra natukoy ang pagkakakilalan sa bikitma.


Sa panayam, sinabi ni Esguerra na dinukot Huwebes ang kaniyang pinsan sa Navotas impounding area sa kahabaan ng C4 Road dakong alas 4:45 ng hapon. 


Sa imbestigasyon naman ng Navotas Police Station, tatlong kalalakihang sakay ng isang Montero na kulay itim ang dumukot sa biktimang si Ignacio matapos umano nitong sumagot ng tawag sa telepono.


Patuloy ang imbestigasyon ng MPD ukol sa motibo sa brutal na pagpatay sa biktima.  


#PunchTheLies🤛



Reference: ABSCBN News

No comments:

Post a Comment